Maternity leave
Sa mga working mom po dyan, ask ko lang po kung pwede na akong mag file ng maternity leave sa work. More than 7months na po tyan ko. #firstbaby #pregnancy #1stimemom
pwede naman po mag early leave, depende sa company mo kung papayagan ka at may proper documentation. kung 7months ka pa lang ang ipafile mo is LOA (leave of absence) iba pa po kasi ung MATERNITY LEAVE, nagstart ang maternity leave a day before you give birth dun magstart ung computation ng SSS for your Maternity leave which is 105 days. 🙂🙂
Magbasa paI'm a nurse pero dahil high risk ako and may covid surge, nag decide kami ng husband ko na mag indefinite leave na muna starting nung January. Without pay na kasi naubos na nung first trimester ko kakabedrest. Then, May 1 ko na start ang maternity leave ko since May 6 ang EDD ko. Mahirap kasi need mag tipid, but gagawin lahat para safe si baby.
Magbasa paBakit sis balak mo magleave ng 7mos? Kung advise po sayo ng OB mo go po, or kung may gusto mong ipahinga ng maaga. Kaso sayang ang pahinga sis. pagkapanganak mo more puyat. Sa case ko po due ko march 3, nagfile ako feb 16. saktuhan lang para mas maenjoy ko yung time sa LO ko. 1st baby din po saken!
Pwede, pero hindi ideal lalo na kung hindi naman high risk ang pregnancy mo. You should file for maternity leave at least 3 days before your due date para mas matagal mong makasama si baby pagka panganak mo at makapagpa hinga ka rin from the hardships of giving birth.
try mo magwait. sayang kasi. ang plan ko magML pg malapit na tlaga due date ko para mas mahaba ung time ko kay baby pagkapanganak. para buong 3mos solo mo pa dn maalagaan si baby. hindi ung need mo agad iwan at bumalik ng office.
Pwede po. Pero para saken wait ko na lang yung malapit na due date kasi sayang din po yung pahinga na ibibigay sayo ng company after manganak. Samen kasi 3months after manganak. Atleast mahaba haba yung pahinga.
not more than 45 days prior to expected delivery date momsh, yun yung sabi sa law. kung maglileave ka ng mas maaga baka kunin sa leave credits mo yun or without pay na.
pwede nman mamsh. mag file klng nanh leave tpos yung ilagay mo a leave is mlpit na sa due mo. sayang kasi mamsh. yung akin sa may pko manganganak pro nka pag file nko.
Ako nag leave ako kabuwanan ko na edd ko dec 31 nag file ako ng leave dec 1 nanganak ako dec 23, para maalagaan ko pa ng matagal baby ko.
Pwede naman mamsh if pinagbebedrest ka na ng ob mo. Ako kase 9 months na yung tiyan ko nung nagleave ako pasok na pasok sa ml sa sss.