Para magka gatas????

Sa mga parents na maka.experience ng paglabas ni baby at walng gatas anu po angga ginawa ninyo para magkagatas po please help me🙏🙏🙏🙏

Para magka gatas????
49 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

sakin nga may gatas na tlaga kaso nag recommend Sila Ng formula dhil malakas sya dumede kinukulang supply ko Ng milk ko on the spot na pag kalabas nya pa lng !! tuloy lng pag papadede siguraduhin na maayos pag clatch ni baby sa utong mo para mag produce Ng milk Minsan Kasi sa maling pag suso ni baby imbis na mag produce mas umoonte kain Ng mga sabaw, pag tulog SI baby mag meryenda kahit Gabi na o madaling Araw uminom Ng kape or gatas para mainitan!! pwede din ung mag pahilot ka sa dibdib sa mga nag hihilot sa buntis at bagong panganak or buko iluto nyo masarap at subok na nakakapagpagatas din masarap din sya iulam sa kanin

Magbasa pa
3y ago

ginawa ko pinagatas ko na lng sa panganay ko na anak sayang Kasi kung di nmn matitimpla

unlilatch lng po mi. Ako sept 20 nanganak via cs tas wala tlga milk lumalabas iyak ng iyak lo ko binigyan nlng ako ng gatas nung ksama ko sa room. Tas kahit alam kong walang lumalabas pnapadede ko pdin sakanya para ma stimulate ung milk flow ko. Tas need pa i nicu si baby for 1 week tas ako kailangan na e discharge kaya mas lalo ako nanlumo. Pagkauwi ko puro pump gnawa ko tas inom mdaming tubig, milo twice a day tas kain ng oats, ulam ko puro sabaw tas may lumalabas na na gatas kahit papano tas knabuksan may nappump nako para mahatid sa lo ko sa nicu.

Magbasa pa
3y ago

sana aq din puro sabaw sabaw naman aq...sana masundan na ng gatas pinapadede ko din minsan baka.sakaling may makuha sya...

After ko manganak wala pa masyadong gatas. So ang ginawa ko pina-latch ko lang c baby para mag-encourage ng milkflow. Make sure lang na tama ung latch kasi masakit sya sa dede kapag mali. Puro maiinit ung iniinom ko,especially ung sabaw. Tapos kain ng oatmeal with Chia seeds sa M2 Tea. On the third day,nagpamassage ako to encourage blood flow. Nagstart na rin ako magpump para lang maencourage ung flow ng gatas. Syempre dapat inom ka ng maraming water. Kapag dehydrated ka, konti or walang lalabas na gatas

Magbasa pa

pa sipsip mo lang lagi Kay baby kc kusa po Yan lalabas Ang gatas,meron nmn daw yan nkukuha unti pero Keri lang kc maliit pa ung bituka nya wag lng tamarin Ang mummy magpadede ..sabi ng ob ko wag sa daddy sa baby lang😂.noong time ko di ko tinigilan ipa sipsip kahit masakit na nipples ko ngkaroon din ng laman may binigay din sila malunggay capsule at lagi kumain ng may sabaw gulay like malunggay .NgAyon nako Dami ko ng laging basang damit panay tulo super lakas ng gatas

Magbasa pa

Unlilatch lang po tapos sabaw2.. Aug. 18 po ako nanganak, mga 3days pa bago ako nagkamilk.. Iyak na ng iyak baby ko di makatulog nagugutom na po sguro kaya nagoabili na ako formula kasi dumudugo na din dede ko at sobrang sakit na.. Pinagpahinga ko lang dede ko ng 1araw tapos pinapadede ko pa din sknya kahit wala pang milk hanggang sa nagkamilk din.. Awa ng Diyos madami na milk ko..iniinuman ko natalac..

Magbasa pa

Nagsyringe ako sa hospital para mahila nipple 😂 then nung niroom in na si baby palatch lang ng palatch every 2 hrs or kada iiyak siya. Ayun, pagkauwi namin ng bahay may kaunti na kong nakikitang lumalabas na milk. Then drink lots of water before, during and after nursing. Nagmamalove din ako ng nestle, purest lactation milk and galactobombs para dumami supply ko. 1 month na si baby ko now. ☺ ♥

Magbasa pa

Unli latch lang si baby lalabas din yan mommy eventually and damihan niyo po water and oatmeal po. Para dumami pa lalo ang milk pwede ang m2 malunggay drink, natalac, galactobombs, and power pumping momsh to increase ang milk supply. And most especially ang positive mindset and happy thoughts po. Stress can decrease your milk supply po. ☺️ Hope this helps po. Good luck.

Magbasa pa

ako Cs ako at wala talagang lumabas na gatas nung una. After 2-3 days pa ako nagkagatas yung tumulo talaga ang sakit sa dede parang namamaga hanggang kili kili tapos yon pinadede ko kay baby at nag pump ako, until now okay naman. kain ka rin mga masasabaw, halaan, malunggay, kain ka ng prutas at gulay, lalong lalo na inom ka ng maraming tubig.

Magbasa pa

ginawa ng byenan ko nuon di ako pinapainum ng buhay n tubig lahat maligamgam tapos s kanin bagong saing dapat lage sabaw may malunggay wag papagutom gatas at biscuit lage after ng ilang oras pagkakain nung lumabas gatas ko ilang araw din ng lumabas nmn di n maawat ang lakas taon bago nawala may ipin n anak ko may gatas pa din ako😁

Magbasa pa

cs po ako momsh, walang gatas na lumabas. nag formula muna kami while in the hospital pero nag pa latch ako kahit formula sya. after a day may lumalabas na parang clear. diretcho pa din latch kahit hindi ap marunong si baby,tuloy lanh momsh. fixed fed kami ngayon, pero importante may makuha syang breastmilk sa atin momsh.

Magbasa pa
Related Articles