ANTIBIOTICS FOR UTI
Sa mga nakaranas po magka UTI habang buntis, Kamusta po si Baby nung lumabas? Wala po ba effect yung pag inom ng antibiotics 6weeks po kase ako preggy may UTI and niresetahan ng Cefuroxime ng OB ko po, Worried lang🥺

In my 1st baby at sa 2nd Lagi akong may UTI as in lahat na ata ng Antibiotics na try ko na pati yung antibiotics na timitimpla sa tubig etc. Normal naman lahat ng mga anak ko. Hindi ko din alam bakit ako laging may UTI di ko naman kinakain ang mga bawal, siguro sa hormonal imbalance. Mas delikado if ang UTI mo hindi magamot, mas makaka apekto yan sa baby.. yung panganay ko nag ka Infection sa dugo nung nilabas ko ksi nung 1st trimester & 2nd nagka UTI ako at nag take ako ng antibiotics pero nung 3rd trimester ko bumalik ulit ang UTI ko, sinunod ko mga sinabi sakin ng mga kamag anak ko na hindi safe ang antibiotics, kaya di ako nag take ayun ang nangyari may sakit anak ko nung lumabas pero ngayon she's fine. Kaya in my 2nd Pregnancy every time na pinapa urinalysis ako forda go ako agad tas pag nag reseta ng antibiotics go lng din ako. kaya ung bunso ko healthy sya nung lumabas sya, kaya if first time mom ka at may inadvice sayo ang doctor mo na gawin sa doctor ka makinig. If hesitant ka pwede ka naman magpa 2nd opinion sa ibang doctor. Wag ka maniniwala sa mga di naman doctor mas mapapahamak pa baby mo like what happened sakin.
Magbasa pa




Zelene my moonlight ✨?