Need answer
Sa mga momshies na nagka UTI while pregnant naresitahan din po ba kayo ng ganito?? Takot kase ako itake tong gamot.22weeks preggy
Pag niresetahan ni OB means po safe at hindi delikado sa baby, kasi hindi rin naman sila mag bibigay ng gamot po na hindi safe sa atin mga buntis po. Mas nakakatakot po pag hindi gumaling ang UTI. Ako 2 anti biotic pa nga binigay sa akin ehh.
Safe po sa pregnant ang cefu kelangan kumpleto mo din maiinom yan at wag mo ihihinto para di ka magkaron ng antibiotic resistant. Mas matakot ka pag di gumaling ang uti at maipasa mo ang infection sa baby mo tulad ng ngyari sa baby ko na NICU for 7days.
yes mommy safe sa baby. uminom din ako ng ganyan nung 29 weeks pregnant ako dahil may mild uti. healthy si baby naipanganak nung may 17. mas ok na agapan ang infections bago lumabas si baby. inom ka din marami water 😊
ngeak...mas matakot ka kapag ang uti mo hindi nawala or gumaling.... inaral po ng mga Dr ang tamang pangagamot sis....kung wala ka pa lang tiwla sana ng kugon ka nalang 😅
safe naman mga nirereseta ng OB. wala naman silang gagawin para mapahamak ung baby mo. mas matakot ka kapag di nagamot ung UTI mo kasi mas maaapektuhan si baby pag lumala yan
opo Ganoon din sakin Peru iba Yong cover , Yan tlga daw safe ba inumin pg Buntis Sabi Ng ob ko , Ng tiis tlga ako mgpa alqga Ng ob , takot na ako sa Center
yes. 24 weeks pa lang, niresitahan na ko. 14 days ako nagtake. hindi kasi gumaling nung first 7 days. mas magandang maagapan agad para d mapasa kay baby.
Di magrereseta ang OB ng ikasasama mo. Mas matakot ka sa pwedeng maging effect ng infection sa baby mo pag hindi yan ma-treat kaagad.
yes nag take dn ako ng 1week..ngaun meron pa akong uti sabi ng ob ko water therapy na lang daw kc nag take na ako ng gamot for uti
Basta reseta ng OB mo safe yan. Di ka naman ipapahamak ng doctor. Mas nakakatakot pag hinde gumaling UTI mo at lumala infection.