HIV Testing
Hi!Required po ba talaga yung HIV Testing?Ilan months po ba dapat magpatest?4 months pregnant po ako. Nahihirapan kasi ako maghanap ng clinic/hospital na nag-offer ng ganun test.Thanks
Actually hindi po siya required. Nagpa-test po ako sa HIV center sa ospital ang sabi po dun, hindi naman required pero kung gusto mo talaga ma-test mas better para din naman sainyo ni baby yun. And before ka naman ma-HIV test i-lelecture ka muna kung ano yung HIV ganon para aware ka po sa gagawin sayo.
Magbasa paOpo required po ang HIV test. Pina test ako ni OB nong nag 3mons palang ako. Pero may mga kasabay ako halos mukang manganganak na. Sa Hi Precision ako nag patest kasi sinabay na yung ibang laboratory test. Pero kung HIV test lang naman gagawin mo sa mga centers ka na lang pumunta para libre po.
required siya pero di na ko nagpatest ng ganyan. di naman nagalit OB ko na di ko siya pinagawa kasi if sure naman daw ako na faithful kaming mag asawa sa isat isa okay na lang din na wala.
Yes required po talaga., Dpende po ky ob sakin po kce first trim palang pinakuha na niya ko hiv test.. anytime nmn sguro pwede kmuha ng hiv test. Sa hi precision ako nagpatest .. try mo po
yes required na po tlga ngayo sa lht ng mga buntis mommi...sa 1st baby ko dti wayback 2016 wla pa nmn pero ngaun sa 2nd baby ko meron na....tpos ngcounseling pa ako bago makuna result
yes required. 3months pa lang tiyan ko nung pinag lab tests na ko. sa Hi-Precision maganda, meron ding pinapapirmahan na confidentiality form for HIV.
Hindi ako pinatest ng OB ko nyan. Tinignan nya ako, sabay sabi na, "hindi na kita ipapatest ng HIV ah" May HIV detector ata mata nya. Haha!
Required po momsh. 3months po tummy ko nun nung nagpa-HIV TEST ako. Kasama na po yung ibang laboratories 😊
Yes, isa po sya sa mga required na lab test during pregnancy. Have you tried sa mga government hospitals?
Sa first baby ko, hindi naman ako hiningian ng HIV. Ngayon sa second ko, nirequire ako ng HIV test.