USAPANG BED REST

Required po ba talaga na mag bed rest kapag nasa 1-3mos.? Hmmmmm mababaliw na ako sa kakahiga. 😢 Babangon lang ako pag kakain, maliligo at pag magc-cr. 😢😩 #firstbaby #1stimemom #pregnancy #advicepls

27 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

kung high risk kelangan talaga.. nung first pregnancy ko, di ako nag ingat e.. working pa dn, mahabang biyahe araw araw.. night shift, puyat tas nakunan ako. then second pregnancy ko, working pa dn ako, kse wala namang morning sickness or what, akala ko di ako maselan.. pero iba na work ko, day time na then malapit nlang sia s haus, 10mins tricycle araw araw pero nakunan pa dn ako.. kaya netong 3rd, nag bedrest n ako.. same ng situation mo, tatayo lang ako pg mg cr at maligo.. minsan nga di p ako tatayo pra lang maligo at kung maliligo ako, nkaupo ako.. nastress dn ako kse pg gising ko nsa higaan lang ako, wala ako ginawa kundi matulog ng matulog, ilang buwan dn ako umiwas s cp kse ung radar dw ng cp .. sobrang takot n takot kse tlaga ako tumayo feeling ko makukunan n nmn ako kaya sobrang bed rest ako.. nag 5months ako, ayun nkakalakad lakad n ako.. nkakalabas na dn ako kwarto ..mahirap tlaga mag bed rest pero pra s safety ni baby gagawin mo tlaga e

Magbasa pa

Tayong mga buntis po ay mas kailangan maging maingat para kay baby sa tyan natin momsh. Bawal tayo mapagod nang sobra, bawal magbuhat buhat ng mabigat at bawal mastress kasi maaaring makaapekto kay baby yon. Sa pagkakaalam ko depende sa buntis kung need nya mag complete bed rest dahil maselan ang pagbubuntis. Pero may mga kakilala din ako na tuloy pa din ang pagpasok sa work hanggang sa kabuwanan na nila. Usually si OB ang nagaadvice kung need mag bed rest kaya mas mainam kung sa kanya mo mismo itanong para maexplain din nya sayo kung bakit mo need. Mas mainam na iwasan mo magpakapagod, basta may naramdaman kang kakaiba rest ka agad. 💕

Magbasa pa

naku momsh kpag advice po sayo bed rest, sundin mo lang po, swerte ka nga kung nkakapag bed rest ka tlga tulad ng sinasabi mo na babangon ka lang kapag kailangan mag cr at kumain, kasi ako advice sakin ng doctor dati bed rest kaso dahil dito ako nkatira sa mga inlaws ko nkakahiya nmn mag bed rest diba, kaya napipilitan ako gumalaw nkakahiga lang ako kpag hapon na nagpapahinga din sila, kaya ayun ang ending na CS ako kasi di na tumaas inunan ni baby. kaya kpag sinabi bed rest, bed rest lang momsh

Magbasa pa

Hi momsh.. Cguro po kya kayo pinag bedrest is dahil maselan pagbbuntis mo. Ako po halos buong 1st trimester nung pinagbbuntis ko yung anak ko nkabedrest ako, lampas 1 month na hindi aq nkpasok s work ko. Ginawa ko din yung gnagawa mo, babangon lng pra kumain, maligo at mgCR. Dahil sumunod aq s OB q, yung baby ko ok nman xa & 1 year old n ngayon. Hindi po b sainyo inexplain ng OB mo kung bkt k nya pngbbedrest? You can ask your OB nman po.

Magbasa pa

depende po yan mam kung cnabi ng ob mo, sa 1st baby ko walang bedrest nag wowork p ako sa ospital nun 6 days a week, sa work na din ako inabutan mag labor, ngayong 2nd baby ko sobrang hrap, 4 days na ko may spotting kaya inadvice na ko mag bedrest, masakit sa likod, nkakainip, 1 month bedrest pero 3 days plang ako, pero keri lang, tiis tiis lang talaga, kain tulog lang ..

Magbasa pa

Depende po kung maselan ka po magbuntis. Ako kasi hindi naman ako nakapag bed rest dahil late ko na nalaman na preggy nagmomotor pa ako papasok ng school at work (working student). Just relax para rin po sa inyo ni baby yan. Libangin nyo nalang sarili nyo sa pagbabasa or panunuod ng tv

depende po sa sabi ng OB nyo. Usually ang bed rest nirerecommend lang sa mga maselan ang pagbubuntis like me. Pero kung normal naman yung pagbubuntis mo kahit hindi na siguro. Iwas lang sa mga heavy lifting and strenuous chores

ako nagbed rest talaga ako sis nung first trimester ko kahit hindi required ni ob, pano hinang hina ako, simula pag gising hangga gumabi sinisikmura ako kaya hindi ako naggagagalaw, masama pakiramdam ko.

Kapag maselan po magbuntis, need po talaga magbed rest. Ako po maselan magbuntis. Kain, ligo at cr lang din gawain nung first 3months ko. Panget man po tignan pero para kay baby naman 😊

ako maselan eh tlga bed rest ako 3 months pero para sa baby ginawa ko talaga. noon kasi matigas ulo ko kaya nawala unang baby ko kaya nagyun super duper ingat ako.