HIV SYMPTOMS

Random question lang: After 5 or more years ba kung HIV positive ka possible wala pa rin nararamdan na symptoms?

12 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Hello, HIV, by nature, is asymptomatic. Sa madaling salita, hindi mo agad mararamdaman ang sintomas nito. Pero kung ang pinangagalingan po nating argument ay 5 years. Sabihin na lamang po natin na sa five years meron kang risk o tsansa mahawaan ng iba't ibang klaseng impeksiyon na maaring magpabagsak ng immune system mo. Maaring gumaling ka sa infection na iyon at magkaron ng iba pang klaseng sakit dahil ang tinitira ng HIV ang ating immune system, papahinain nito ang immune system mo. Sa ngayon kung ikaw ay nagwoworry, maari kang magpa-test at makukuha mo ang resulta sa loob lamang ng dalawang oras. Madalas, ia-advise nila sayo kung ikaw ay sexually active ay magkaroon ng 3 - 6 months na window period. Meaning, kung ang last na sexual contact mo ay January, meron window period ang virus para magmutate sa loob ng 3 hanggang 6 buwan at madedetect na ito through rapid blood test. Meron ding nabibili na HIV testing kit. Mainam na magpunta ka sa mga testing centers such as RITM, Love Yourself, at San Lazaro para mabigyan ka ng counselling.

Magbasa pa