#QOTD Tuesday: Ilan ang gusto mong maging anak?

TAP Parents, sumagot lang ng ating daily question at magkaroon ng chance na manalo ng PHP100 egift! Random winners ito kaya lahat ay may chance manalo. So, comment below your thoughts and kwentos!

#QOTD Tuesday: Ilan ang gusto mong maging anak?
775 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

5 πŸ˜πŸ’• Mas maraming anak, mas masaya Ika nga nila mahirap daw maraming anak, pero kung gugustuhin mo talaga kayang kaya yan. Pag andyan naman na nagagawan na ng paraan paano matataguyod. Sipag at Diskarte lang.

VIP Member

Dalawa. Ok na ko kame ng asawa ko sa dalawa. Atlis may katuwang at kadamay ang isa't isa dumating man yung time na mawala na kameng parents nila. Di sila magiisa kasi dalawa silang magdadamayan at magtutulungan.

Dalawa , isang babae at isang lalaki . Sa panahon ngayon mahirap mag-anak ng madami , sa sobrang mahal ng bilihin ngayon mahirap tustusan ang madaming anak . Bawas populasyon na din kaya okay na ang dalawa πŸ˜†

I already have 1 girl and currently pregnant with my rainbow.. kahit 2 lang ok n pero kung ilan ang ipagkakaloob ni Lord magiging masaya pa din kami kc hindi naman ibibigay ni God kung hindi para sa amin..

VIP Member

2 only. 1 boy and 1 girl is enough para properly matutukan at masuportahan lahat ng needs nila. Boy as the eldest and girl as the youngest para may mag protect kay baby girl when they are growing up na ☺

gusto ko madami kase gusto kong maranasan yung masayang pamilya dalawa lng kase kaming mag kapatid noon pala sabi ko gusto ko ng madaming anak oo mahirap pero ayon gusto ko lng naman ng happy family 😊

isa lang kasi masakit mag labor sabi namin tama na yun isa pero nasundan pa at nasundan pa ulit kaya ito magiging 3 na kabuwanan na at 3 boys sila magkakapatid pangarap ko magka anak ng babae sana.πŸ™

Gusto ko 2 anak. isang lalaki at isang babae. meron na akong lalaki kaya gusto ko sa susunod babae naman.. 2 lang gusto ko kasi CS mom ako mahirap at magastos kung madami magiging anak ko.. πŸ™πŸ₯°

Dalawa lang para kahit papaano may kasama pa rin yong panganay namin mag asawa , nagtutulungan at suportive sa isat isa bilang magkapatid kung sakaling mawala man kami bilang magulang nilaβ™‘πŸ’•

pwede na po ako sa dalawa anak girl and boy... kakapanganak ko lng po sa newborn ko baby girl looking forward na maalagaan at mapalaki xa ng mabuti lalot maselan ang panahon ngayun dhil sa pandemya