#QOTD Tuesday: Tinutulungan ka ba ng partner mong mag-alaga kay baby?
TAP Parents, sasagot ka lang sa QOTD, may chance ka nang manalo ng PHP100 voucher! Random winners ito kaya lahat ay may chance manalo. So, comment below your thoughts and kwentos!


Actually House Dad asawa ko kaya sya talaga lahat. Sa gabi lang ako nag-aalaga kay baby pero pag madaling araw at playtime ni baby, sya ang nagbabantay at nakikipag-usap. Hinahayaan nya ko matulog para di mapuyat at antukin sa trabaho.
No. Long distance po kasi kaya since preggy ako sa 10month old baby namin is solo ako sa pagaalaga. Pero pag nakakauwi naman po sya todo exert naman sa effort magalaga.. 2weeks din nya tinutukan si baby nung kakalabas nya๐โค๏ธ
Yes., kahit asut pusa kami mag away mag Asawa sa lahat Ng bagay tumutulong Lalo na sa pag babantay Ng bata since sa first baby namin naun dalawa Ng ung high school at isang toddler and infant 10months old๐๐
yes especially nung bago ako panganak na hindi ko pa kaya mag alaga. Then after that, alternate na kami,pag may work ako, sya nag aalaga.pag free ako, ako naman. Ganun lang,we never ask the help of in laws.hehe
Yes! My husband had been co-parenting ever since our son was a newborn. He's 6yo now, and my husband has graduated from changing diapers and lulling him to sleep after breastfeeding to homeschooling him.
Yes, super thankful ako. WFH si hubby, pag breaktime niya minsan sya muna tumitingin kay baby para makagawa din ng gawain ko at makapag ayos ng sarili. Salitan din kami lalo na pag rest day niya ๐ฅฐ
proud YES! he has been very hands-on since day 1. he takes charge especially at night. i breastfeed while he changes baby's nappy. and no matter how tired we are from work, he never complains๐๐
yes ! hindi ko naramdaman yung sobrang hirap sa pag aalaga sa baby namin dahil sa asawa ko halos lahat sya ang gumagawa hindi talaga nya ako pinabayaan simula noon pa man. kaya THE BEST TALAGANG MR.
Pag andito sya sa bahay oo kaso bihira naman yun umuwi lalo ngayon. Sya nagpapaligo bihis ng bata nagpapakain pag hapon pinapatulog. mahilig din yun magluto kaya walang problema ako tagahugas plato
Yes po.. maalaga po si hubby kay baby.. Super thankful ako kay Lord kasi binigyan nya ako ng maalagang tatay at asawa. And in return, pagmamahal and pag aalaga ang maisusukli ko sa partner ko.