#QOTD Wednesday: Lagi ba kayong nag-aaway ni mister dahil sa pagkain?
1502 responses

minsan lang🤣 maselan daw kase ako, kasalanan ko bang diko talaga gusto🤣 sya naman magpapapayat daw at sobra na taba nya tapos kadami naman kumain.🤦♀️
hindi naman po dahil nag susuggest ang bawat isa ng ihahain sa hapag kainan . tnatanong den nmin ang anak namin kung anong gusto iulam para marami kmi makain lahat.
hinde nmn po kame nag aaway tungkol s pagkain..mag kaiba man kame ng gusto napagkakasunduan nmn kung ano lng ang nkahain un lng ang kakainin. un lng po salamat
Never kami nag away ng dahil sa pagkain, kahit minsan magkaiba kami ng gusto, naghahanap at gumagawa kami ng way para masatisfy yung cravings namin pareho.
Slight lang po. Mahilig kase ako sa karne, e gusto ng asawa ko kumain din ako ng gulay kaya nag request ako ng ginisang gulay na may karneng baboy hahaha
minsan... kasi pinapakialaman nya pagkain ko... minsan ayaw ko na lagay pa sya ng lagay... minsan naman dami nyang lagay na sili sa food.. 🤣🤣🤣
Sometimes lalo na kapag pipili ng uulamin :D lagi nalang "ikaw bahala " or "kahit ano " hindi yung sya mismo magdedecide kung anu pwedeng ulamin 😥
Minsan lang. magkaiba kasi kami ng hilig sa pagkain. .Mahilig sya sa mga may sabaw lalo na sa isda eh ako hindi ako kumakain nun. 😂😅Prito lang.
minsan lang po kapag ayaw ko talaga ng ulam.tpos gusto naman nya tapos minsan ayaw nya ng ulam gusto ko naman.. pero kahit ngaawaynd nmn ngtatagal..
we fight kasi hindi sya healthy kumain.nasanay sya sa mga instant foods, so when we got married i always force him to eat vegetables and fish🤣



