Baby's Kick

Question: Normal po ba minsan ang sakit mag kick ni baby? ? Parang ang lakas sumipa especially pag sa may pusod ? #21weeks & 5days ?

22 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

yes lalo na sa mga susunod na buwan. Masakit na masaya. Pero kung nasasaktan ka na pwede mo ibahin position mo para mag pahinga naman sya. Maganda senyales daw yan kasi ibig sabihin healthy siya. Next month na due ko pro malikot pa din,yon lang konti na lang space nya paglikot 😊

uO. Normal lang yan. Nd pa yan mommy lalu pa pag lumaki tiyan mo.. Msakit yung galaw lalu pa pag bumubukol sya..parang ang bigat ng tiyan mo. Peru Angsaya sa feeling na active yung baby

21w5d here and yes I think it's normal kasi sakin din ganyan si baby napaka active lalo pagkatapos ko kumain. :D minsan pa tabingi na tyan ko sa likot niya. Hahaha

Habang lumalaki daw po talaga si baby, mas nagiging malakas nadin mga kicks niya. Pero okay lang yan mami. Atleast alam mong very active si baby. :)

Hihi sakin sis nkk tuwa pag sa tagiliran sumipa nkk kiliti..ndi pa nmn sya ganun kalakas na masakit..nkk tuwa lng kpg nafefeel mo sya nagalaw😊

yes po normal yan sis hehe ako nga den nagugulat na lang ako minsan medyo masakit lalo pag ang lakas ng sipa nya 28 weeks na akong buntis 🤗

Yes normal lang yan lalo na pag nasa 30 plus weeks na malakas na lalo mag kick at medyo uncomfortable pag sa pusod natatamaan

VIP Member

Normal yan sis. Wait ka pa ng mga 7th month to 9th month masakit na din sipa nya sa ribs ska sa sikmura 😂

Normal lang mamsh, mas okay po yun kase mas nararamdaman mo kung gano kaactive si baby sa loob😊

Opo normal lang yan. Hehe. And maganda po pag naglilikot sya ibig sabihin healthy si baby