Hi CS Mommies!

Question lang, nanganak ako nung Nov 2017 via ECS. If i remember it clearly, pagkainject sakin ng anesthesia, namanhid katawan ko, nagchills tapos pinwesto na ako ng prang ipapako sa krus pero tiniklop nila legs ko haha. Tapos gising ako sandali, kinausap ko pa yung nurse na nagcocomfort sa akin then nakatulog. Pag gising ko, nakita ko ulo ng baby ko nasa dibdib ko na. Then tulog ulit. Paggising ko, nasa recovery room na ako. Question is, gaano kahaba yung from pagpasok sa OR hanggang ilipat sa kwarto? 2nd pregnancy ko ngayon and Due date ko is on April 2021. Im having some anxiety attacks kasi namatay ang mom ko May 2020. And i saw everything. Kasama din nya ako during operations nya. Kaya medyo nagkaron ako ng takot sa ospital and OR. Hope you can give me some advice.

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

sakin 1hr to 3hrs siguro. depende din sa gagawa Ng operation sis eh. Ska Kung available agad Yung Dr. nung sakin nag start Ng 10am pinasok na ko sa OR table pero nag start PA operation around 10:20-10:30 pa Kasi wla pa Dr. pero bago mag 11 nailabas n anak ko. 12 pm ni room in na ko. mas ok Kung may maganda ka pong communication sa Dr. Po ninyo para mabawasan Yung pangamba mo and iopen mo sa knya Yung nararamdaman mo sis.

Magbasa pa