San ako magstay?

Hi, may question lang ako about sa pagstay ko while im preggy. Yung mother kasi ng bf ko gustong gusto ako magstay sa kanila and lagi ako kinukulit at sinabing "sana di nalang kayo nagasawa kung tila naglalaro lang kayo". Nasa magulang ko padin kasi ako kaso ang naiiwan lang sa bahay is mom ko 59yrs old and niece ko na 3yrs old. So nag aalangan ako iwan since may edad na din at di din ako komportable sa bahay ng bf ko. Sabi naman ng mama ko kahit after 3mos ko manganak pwede naman ako dun pero gusto nya kasi ako alagaan sana since first time mom din ako and wala akong exp sa pagaalaga. Naguguluhan lang ako at naririndi kada pupunta ako dun sa bf ko. Help po and i need advisements! Thankyou po Ps: actually even name ng magiging baby ko gusto ni MIL ko sya magpangalan, which is ayaw ko sana.

17 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

kung san ka mas kumportable dun ka mi. kase mahirap pag sa iba ka na di ka kumportable naiilang ka ,di ka makagalaw tapos mamatahin ka pa at dadagdag pa yan sa iisipin o stress mo. tsaka mas okay kasama mo ang mom mo lalo na first time mom ka at 2 lang pala sila naiiwan sa bahay niyo.