Takot ka ba sa injection?
1264 responses
No, kaya ko naman tumingin pag need ako injectionan hehe. Pero pag yung baby ko na ang need injectionan para ako yung iiyak 😅 other mommies can relate to this hehe
Oo sobrang takot ako Kaya kapag babakunahan ang mga anak ko nakatalikod ako or minsan si Papa ang May hawak kasi naaawa ko sa Haba ng karayom na itutusok kay baby.
Yes. Simula bata hanggang mula ngayon. Pikit mata everytime magpapavaccine pero lahat ng required at dapat ay ina-avail. Iniisip ko lagi matatapos rin 😅💉
no. Kaya ko nasabing no Kasi nung Bata ako di man Lang ako nag react s injection sakin noon. mdming beses gnun Lalo n nung n hospital ako at nilagyan Ng swero.
No, kakambal na yata namin ang tusok ng karayom pati nga po ampules sa hospital. Isa po akong Nurse, at hindi maiiwasan ang matusok kaya sanay na po :) hehe
nope, hindi po ako takot sa injection because I am a health care worker at sanay na po ako sa injection lalo na po pag nagcbc po or nagpapadextrose ako.
Yes po, lalo na nung bata pa ako pero eventually na overcome ko na sya. Di lang ako titingin haha kahit pag kukunan ako ng dugo ganun din style ko.
takot makita karayom 🤣 pero if di naman nakatingin ok lang ilang beses na din ako naturukan ng karayom dextrose or injection danas na..
Oo natatakot ako sa injection pero kapag tinutusuk na nawawala na yung takot ko ksi habang tinusok ay parang kagat lang ng lamok
before nung wala pako baby. pero simula magkababy nako baliwala nalang sakin kahit anong turok kaya nagpatattoo nadin ako ☺️