Efficacent Oil

Pwedi po ba ipahid sa tyan ng misis kong 2months buntis ang efficacent oil, pag nakakaramdam ng cramps at pag nasusuka sya gusto nya sana na makaramdam ng menthol ang sikmura nya..

11 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Sakin nung nagpahid ako niyan nung 14 weeks tyan ko. Grabi yung contract niya, sabrang sakit. Na halos lahat ng kinain ko sinuka ko. Tsaka hindi ako pinatulog ng baby ko. Wag nalang efficacent oil . Kasi po nagrereact yung baby . Kasi mainit yang efficacent

Sabe ni ob saken okey lang pero konti lang.. mas recommended nya pag may pain hot compress po. Pero anong klaseng cramps po yan sa tyan? Baka naman contractions na, Baka not normal po yan pacheck po kayo agad. Eat crackers po pag nasusuka like skyflakes..

Manzanilla po pag sa tummy para di gaano mainit, kasi masyadong mainit yung efficascent. Pero as per my ob naman u can use efficascent kung sa may balakang or likod kung nangangalay or masakit. but yun nga wag po sa tyan.

Pwede siya pero dapat sa likod lang at balakang po kuya, kasi ako dati ginamit ko din yung Efficacent Oil pero pinastop ako ng mama ko kasi masyadong mainit sa tummy, baka makaapekto kay baby. Pwede Manzanilla lang. 😊

Hindi po pwede ang kahit anong liniment oil sa buntis. Nakaka cause ng contraction yan. Any mentholated bawal. Mansanilla lng siguro ang pwede.

Nope po, use mansinilia na lang or baby oil muna masyado mainit ang efficacent oil. we are not sure kung ano effect nyan sa baby.

Ok lng po siguro kase sakin white flour wer ang pinapahid ko sa tyan ko.

Sa pagkaka alam ko lang po ha. Hindi po safe yan sa pregnant eh.

No po. Menthol kasi yan. Bawal sa mga buntis

We don't recommend po.