Blood transfusion

Pwede po bang hindi magpasalin ng dugo? Sabi kase ng ob ko need ako salinan ng 3 bags before due date ko oct 12 daw kailangan akong salinan. Makukuha pa po ba sa ferrous tsaka sa mga kinakain ko para tumaas ang hemoglobin ko para hndi na ako salinan? Maraming salamat po sa sasagot❤️ #advicepls

5 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hi mii. Tingin ko may reason si ob bakit need mo salinan ng dugo. Mas okay yan na alam mo at makapagprepare. Sa case ko sa 3rd child ko, sobrang smooth ng pregnancy ko pati lab tests at ultrasound. Unexpectedly, mismong sa panganganak ako nagkaron ng ganyang prob. Naadmit ako ng 4 days more after ko ipanganak si baby. sinalinan ako ng 4 bags ng dugo. Bale dapat dalawa lang kaya lang hindi pa rin naging okay result ko after that so nagsalin ulit kaya napatagal kami sa hospital.

Magbasa pa
VIP Member

Yes po pwede. Meron pong mga alternatives imbes magpasalin ng dugo like Erythropoietin Therapy. Binibigay sya third trimester para dumami ang red blood cells or hemoglobin mo. Pwede din intravenous iron. Pwede din ang ferrous sulfate basta sabayan mo inom ng ascorbic acid. Bawas ka muna sa egg yolks, milk products, coffee, tea, antacids, calcium supplements at fiber para mas maabsorb ng katawan mo ang iron.

Magbasa pa
2y ago

Mamsh try mo sa East Avenue Medical Center manganak kung gusto mo walang involve na dugo. Meron pong trained OB pagdating dyan...

Mommy kung sobra baba na ng hemoglobin mo kelangan habulin ang pagtaas niyan bago ka manganak. Kaya kung ipinayo sayo na need mo salinan.. Pa bloodtrans ka mii. Tandaan mo pag nanganganak ka na mababawasan pa lalo ang dugo mo.. At syempre di din maganda sa baby kung kulang ang hemoglobin mo mommy.. Kaya pag usapan niyo yan ni OB mo mi

Magbasa pa

momsh nasalinan ako netong July 18 lang. 3 bags. 79 lang kasi hemoglobin ko. normal is 120-160 kung hindi ako nagkakamali. as per may OB hindi daw kasi kaya habulin agad kaya need salinan.

Kung advice ni ob moms sundin nyo nalang po para sa kabutihan din ninyo ni baby.