Sprite with ice
Pwede po ba uminom ng sprite palagi? Kasi yun po pinaglilihian ko, sprite atsaka ice.
sis ako nung first trimester ko 7 up at pepsi ang comfor food ko. kahit walang rice.. hehe sinunod layaw ko ng hubby at mom ko kasi pagdating ng 2nd trimester totally banned na, wala naman ako history diabetes kaya nag go go go lang ako. 2nd trimester din ako pinagbawalan ni OB MAG soda... pero sis sprite at rice at deadly combi yan taas sa sugar yan sis. tikim tikim lang sis.. para mapawi yung cravings mo.. wag mo ubusin ang isang baso o small bottle. ako sis isang straw lang. hehe
Magbasa paSakin po pinaglihian ko puro matatamis 1month-4months po niyan.pero nung nag 5 months medyo naconcontrol ko na..pinipilit kong iwasan sweets.so far normal naman ang bloos sugar ko..kasi pag naglilihi ka medyo mahirap pigilan ung cravings..basta minsa try mo po control ako ganun kasi.
iwasan nyo nlang po uminom nyan momsh .nkaka UTI po kasi ang soft drinks. nung first month pa tyan ko umiinom ako ng soft drinks isang baso lng everyday pero nagka uti ako nung nagpacheck up nko urinalysis. pina take ako ng antibiotic for preggy & pinagbawalan nadin ako
More water lang tayo. Bawasan po ang softdrinks kasi bukod sa napakaraming sugar niyan, malakas din po maka UTI ang softdrinks. Baka magka GD ka rin po and isa yan sa sinasabi nilang nakakalaki ng baby. Baka po mahirapan kayo manganak.
kung hindi ka naman binabawal ng OB mo, peeo mas maganda po kung hindi mo aaraw arawin. baka magka UTI ka kasi
Iwasan mo na momsh. ☺ lalo na wag palagi. Ginagawa ko sakin half water half softdrinks. 💙
Malakas po makalaki ng baby ang mga malalamig. Baka mahirapan kapa manganak mommy.
Pwde yan sis, basta iinom ka din palagi ng tubig 🙂
Bawasan mo sis baka magka uti ka mas mahirap.
Limit lang sis. Pang gamot sa takam😂