5days old baby
Pwede po ba sya hindi lagyan ng pajama at bonet pag nasa bahay? Feeling ko po kasi naiinitan sya and minsan pawis po sya pag binabalot ko
![undefined profile icon](https://static.cdntap.com/parenttown-prod/profile_15637872962857.jpg)
Sa akin mommy, siguro mga 2 weeks sya pinag bobonnet ko at naka mittens at medyas kasi naka ac sa bahay 24 hours. Pero ngayon hindi ko na pinag bonnet kasi kinaumagahan nakikita ko pawis na pawis ang ulo nya kahit naka ac. At kahit nga likod nya pinagpapawisan. Medyas nalang nilalagay ko. Nilalagay ko nalang sa 25 ° ang ac para katamtaman lang ang lamig at init.
Magbasa paPag mainit momsh at nasa loob lang naman kayo kahit wag na at sobramg inut ng panahon ngayon.. Wag mo lang pabayaan na icheck likod nya to make sure na ndi sya matuyuan nh pawis
pwede naman sis.baby ko never namin pinagbonnet kasi mainit panahon saka may pranela naman.pajama naman sya pag gabi lang kasi malamig sa gabi.
Kung di kayo naka aircon at mainit sa bahay nyo ok lang na hindi na nakabonet kasi magrarashes lang sya pag laging pinagpapawisan ang ulo.
Pag mainit tas nasa loob lang naman kayo ng bahay, kahit wala ng bonnet. Lagi mo lang icheck likod ni baby, wag hayaan matuyuan ng pawis.
sakin po noon di ko na po pinagbobonet sa maghapon pagdating na lang po ng 5pm kung kailan mejo malamig at mahamog na
Sa morning momsh pwede namang hindi, kahit sa gabi mo nalang lagyan. O kaya kahit medyas nalang at mittens.
pwede naman po. sa umaga wag mo na lang pajamahan. kahit sa gabi na lang kasi di na masyadong mainit.
Yes pwede nman lalo na kung mainit talga. Pero check mo pa din from time to time temp nya. 😊
ok lng wlang bonnet.. mainit. kung nka aircon po kayo lagyn nyo lang ng pajama.