Tanong lang po

Pwede po ba magpakulay ng buhok ang buntis?

39 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

big no po! kasi may chemicals yan na nakakasira sa pagbuo ng lungs o baga ng baby mo. kapag buntis ka na isipin mo po yung epekto sa baby.. saka ka na po magpaganda ng hair pag nailabas na at malaki na si baby.. personal experience po yung mama ko ang negosyo nila dati ay Salon mama ko po taga mix ng pangkulay ng hair, pangrebond, pambleach ng hair, pangkulot at kung ano ano pang nilalagay sa buhok. Di nya po alam na 3 months na pala syang buntis (ako yung pinagbubuntis nya) kasi irregular sya mag regla. Nung pinanganak nya po ako weak lungs at may tubig ako sa baga (lungs) hirap ako huminga nagkukulay violet na daw ako kasi di makahinga. Ang dahilan daw po nuon ay dahil sa mga chemical na nalanghap ng mama ko mula sa mga pangkulay ng buhok sa sobrang tapang nun kahit maamoy lang ng buntis parang binubutas yung lungs ng baby. tinaningan na ng pedia na kapag 48 hrs at di umayos paghinga ko wala na daw sila magagawa mamatay na talaga buti palaban daw ako at nakasurvive. mama ko naaamoy nya lang yung mga pang kulay ng buhok nagkatama yung lungs ko eh paano pa kaya kung direktang nilalagay sa buhok ng buntis mas malala ang epekto nun. kaya po tiisin nyo po muna ang mga buhok na di mapaayos kesa magkaproblema yung baby mo.. isipin po si baby bago ang sarili..

Magbasa pa