Pilay
Hello , pwede po ba magkaroon ng pilay ang buntis? Ang kirot po kasi sa may ibaba ng balakang hanggang binti hirap po mag lakad. Thank you .

Ng eexpand lang balakang mo momsh ganyan din ako madalas, minsan hirap tumayo sa pag kahiga at mag lakad. Gawin mo momsh pag nahiga ka lagay ka unan sa balakang tas taas mo paa sa pader. Tas kahit sa pag tulog kahit kumot lagyan mo yung space ng balakang mo.
Ngalay lang yan mamsh, ganyan ako nun. Pahinga lang. Pinainom ako ng gatas and dapat continous yung calcium ko para mabawasan pananakit. Minsan naman pag maghapin nakaupo ganyan din.. need ng lifht excercise po
Same here po momsh. Sibrang sakit po ilakad parang pilay po talaga. Usually pagnakaupo ka ng matagal or nakatayo mas masakit. Kaya dapat po from time to time tayo or lakad lakad.
Parang normal naman po ata yan sa buntis. Ganyan ako pag nakakalimutan kong inumin ang calcium vitamin ko. Magtake lang po kayo pati gatas, baka po maging okay na.
nag warm compress ako noon. as in masakit sya ilakad that time. ung mga ugat ko parang nanggagalaiti sa sakit. pero naka soothe sa akin ang warm compress
Yan cguro tinatawag na restless leg syndrome sabi dto sa apps.. Nangangalay na mga binti pero normal lng sa buntis
Thank you po sa mga answers nyo 🙂 God bless you all mga mommy. 💓👩🏻
Ngalay lang po yan minsan ganyan din ako. Pahinga mo lang
Better ask your OB or midwife kung pwede ka mag B-complex
Hindi yan pilay Sis,part yan ng pgbubuntis natin