pain in my heart?

pwede ba maglabas ng sakit na nararamdaman.wala kasi ako masabihan e.wala akong makakausap.baka dito pwede akong magsabi at umiyak.? sorry baka medyo mahaba lang. ganito po kasi ang nangyari.so far simula nung nabuntis ako masaya kami ng partner ko.lage ako inaalala at inaalagaan.sobrang excited kay baby.kahit mag away kami minsan iniintindi lng niya moodswings ko.okay naman kami walang tinatago.ramdam na ramdam ko ang pagmamahal niya samin.every check up namin lage ako sinasamahan.aabsent sa work masamahan lng ako.then this week lng bglang may nagbago.check up ko.d na ko sinamahan may pasok daw.inintindi ko siya.nung umuwe kami sknla medyo nakakahalata ako kasi dati ang phone niya lage niya pinapahawak sakin if ever lalabas o magbabasketball.pero nung time na yun lage niya bitbit.pero hinayaan ko lng.nung matulog na kmi hinanap ko phone niya tinago pla d ko makita.hayaan na ulit.and then next namin magkita after 2 days parang d siya masaya ksama ako.lage naiinis.then away kami.iniwan nlng niya ako tas umuwe.ako umuwe nalang din mag isa samin.ni hindi man ngtxt na magwoworry sakin.iniyakan ko nlng.then d na siya nagrereply sakin.ako medyo nasasaktan n sa pag act niya.then ni try ko iopen fb niya.hinuhula ko lng password kasi d ko alam.so yun nga nabuksan ko.tas meron akong nabasa na mga ka chat niya.yung iba ka work mate niya.yung isa ex niya.sobrang sakit yung mga nabasa ko.??? i dont know what to do.sobrang sakit.tumawag ako sknya tapos kinonfront ko pero siya pa nagalit sakin.bat daw ako nakikialam sa account niya.d naman daw sakin yon.?? hanggang ngayon nasasaktan pa din ako.d ko alam gagawin ko.minsan bigla bigla na ko napapaiyak.kinakausap ko nalang c baby s tummy ko.feeling ko gusto ko nalang mawala nalang.ang sakit sobra eh.wala na ko ibang inisip kundi mamatay nalang dahil d ko nakakaya ang sakit?

40 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Be Strong momsh. Ganyan dn ako before nong 7-8mons nko preggy kse nlman ko rn niloko ako ng Jowa ko. Khit mag kawork kme di kme nag iimikan di kme sabay kumakain pg breaktime tpos solo pko sa bhaus ko. Kaya i told to myself Humanda sya pg labas ni baby ibabalik ko sa knya lahat. Pro ngyon ok na kmi 😆☺️

Magbasa pa

Confront the pain, face it and then accept it and then make the decision..i am going through the same pero plgi mo tandaan, pinkamhirap na ipilit ang sarili mo sa iba,, walang sense magtiis at makipaglaban kung xa mismo umaayaw na.. #mytencents

Pray ka momsh. Masakit pero you have to expect the worst. Mukhang may possibility na may babae si partner mo. Ganyan din si boyfriend. Nahuli ko na may kachat. Binigyan ko ng ultimatum. Sabi ko lalayo kami ng anak nya pag pinagpatuloy nya pagloloko nya

Mahirap magbigay ng payo kasi syempre iba ka, iba din ako. What I can suggest is mag focus ka na lang sa baby mo. If that's what he wants, let him be. Basta ikaw, ang priority mo baby mo. Siya na ngayon dapat ang number 1 sa puso mo hindi na si guy.

Alam natin na hindi yan okay, mumsh. At hindi ka okay. Pwedeng pwede umiyak, pero you have to be strong for your baby. Ipagpray mo na lang ang daddy ng baby mo at ipagpray mo narin ang puso mo at si baby. Kaya mo yan! 💪💪💪

Aww. Hugs sis. Give him time and yourself. It's possible that he is not ready and not the man for you just yet. Wag mo siyang pilitin. Masakit. Yes. Be strong for the your baby. Don't do anything you will regret after ha. Fighting!

nakakalungkot mommy...mahirap magpayo sa ganyang ctwasyon lalo pa ang iicpin na natin ang kapakanan na ni baby plus ang kalagayan pa natin na nagbubuntis... pakatatag ka lang basta mommy...dun ka lang lagi sa tama...

Ganyan din tatay ng anak ko. Lagi bitbit phone. Di ko alam pattern. Ayaw pakalkal hahaha pero binabalewala ko nalang. Kung magloko siya. Talo siya. Basta ako may anak na. Wala ako pake sa kanya

Realtalk naiyak ako sa kwento mo sis kasi dama kita nararamdaman ko den yan ngayon sa hubby ko pero iniintindi kona lng wag kna pa stress sige ka si baby mo mahihirapan nyan kaya mo yan

Be strong for your baby, momsh! Kayanin mo para sakanya. 😊 Doon ka muna sa mga kapamilya at mga kaibigan mo para ma-feel mo naman na loved and cared for ka. 🥰