Attitude doctor
Pwede ba kasuhan or isumbong sa management yung doctor/nurse na nag anak sakin na grabe ang sungit. I'm in pain sa pag lalabor then kung makapagsalita sakin na hindi ako kompleto sa check up kung san ako nanganak and hindi nakapag shave bago manganak. Well i have reasons naman, first is 2 weeks lang after ako nakapag leave sa work and nagchecheck up ako near on our house ( yung hospital kase is malayo sa lugar namin and dugo una lumabas and first baby kaya sa ospital na kami) and im one week advance sa due ko and balak ko naman mag linis ng katawan kaso hindi ko expect na lalabas na baby ko. Nakakadagdag lang ng stress yung doctor na nag anak sakin kase dala na nga ng labor at takot na baka ano mangyare sakin while nangananak, siya pa yung putak ng putak ng kung ano anong kasungitan at nagagalit kapag napapalakas ako ng pag hinga or napapasigaw ng hindi naman ganon kasobrang lakas. 1 month na simula nung nangyare yon pero parang ayun yung nagpatrauma sakin manganak ulit hindi dahil sa panganganak 😤😤 TIA


