Totoo Ba?

Pure breastfeeding po ako. Almost 3 months na po baby ko, dumadagdag naman po lagi yung weight niya. Simula po ng pinanganak ko si baby, one week lang po ako kumain ng may sabaw. Pero until now naman, malakas parin po ang gatas ko kahit hindi na po ako nagsasabaw. Sabi po ng Tita ko, ang payat daw ni baby parang di raw po nataba pero para sakin naman po, malaman po siya. Di naman po siya payat tingnan. Sabi rin po ng Tita ko, hindi na raw kasi ako nagsasabaw kaya ganon. Eh sa pagkakaalam ko naman po, kapag breastfeed si baby hindi talaga siya tataba nang sobra unlike sa mga formula or mixed. Tsaka ang alam ko rin po, wala sa mataba ang baby kung healthy siya o sakitin. Tama naman po ako diba? Please enlighten me po. Bigla po kasi akong nadown sa sinabi ng Tita ko. Thankyouuuu po.

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Tama naman mamsh. Ang nasa isip siguro ni tita mo fat baby is healthy baby.. hindi po tlaga tabain ang mga bf na babies. Lalo na sa first couple of months. Pag nag 4 to 6 mos yan tataba din yan kasi mas mgging matakaw dumede.. ikaw naman ang papayat non πŸ˜…

5y ago

Sainyo din po ni baby!! Continue lang po ang pagbbreastfeed. Beneficial po yan for mommy and baby. ❀❀ happy latching!! ❀😊

VIP Member

Tama ka naman sis hnd nmn lahat ng baby pare pareho may iba tlga na tabain may iba na hnd . Pure bf din ako pero sinasabi ng mga ibang tao na formula sya kasi mataba si lo ko ..

5y ago

Thankyou po mommy sa thoughts mo. Bigla po kasi akong naconfused eh kahit alam ko naman po sa sarili ko na hindi naman po ako nagkulang sa baby ko. Kampante akong healthy siya although hindi siya ganung kataba katulad ng ibang babies.