Priterm Labor
Ptpa po Admins? FTM here. 7months EDD JULY 14 Mga momshies sino na po sainyo nakaexperience ng PRITERM LABOR? Pa 8months pa lng po si baby Last Checkup ko nung Wednesday sa Center naghingi ako advice kay Dr. Kung bakit kako parang feeling ko Mababa na sa puson yung Baby ko.tapos sabi niya I.E niya ako then after niya ako na I.E nagulat siya kasi OpenCervix na daw ako at nakakapa nya na ulo bata sobrang baba na daw ng bata pero 2cm sabi niya. Agad niya na ako binigyan referral sa Hospi. Then hapon ng Rush na ako punta ng PCGH handa ko na mga Gamit namin. Ganun din sabi ng Dr. 2cm dn after ako ma I.E, Bale 7hrs ako minonitor pero ok naman si Baby normal naman lahat lalo heartrate niya. Pinauwi din ako 11pm ng gabi tapos niresetahan ako pangpakapit at yung Gamot na 4x iinject sakin at need sa nurse ko sa center ipapainject kaya eto torture ang braso ko kasi naka 3x turok na sakin pinaka makapal na karayom pa naman at sagad malapit na sa buto, pero para kay baby lhat naman gagawin natin para sakanya kaya sana malagpasan natin sa mga katulad kong nag pipriterm labor. Bedrest din ako now bawal magkikilos. Wla di naman ako nararamdaman iba at wala akong Blood discharge o water. Mali lang talaga sakin yung nag open na tlga cervix ko. Salamat po sa pagbasa, comment na lng po kung may kagaya ko na nalagpasan ito kasi medyo worried ako ayoko kulang sa buwan si baby.
Excited to become a mum