TAP AFTER DARK PART 3
Pregnant experience. Meron akong live-in partner nuon na sobrang babaero, buntis ako sa panganay namin ng maexperience ko yung mejo scary na kwento na to. Nagising ako ng madaling araw na wala sya sa tabi ko, dahil nga babaero sya inisip ko na baka nasa barkada at nakikipag harutan nanaman. Lumabas ako, sobrang lamig. Nakakatakot yung katahimikan, inikot ko yung subdivision namin wala hindi ko sya nakita. Dahil gininaw na ko naisip ko umuwi na at dun nalang sya hintayin. Nung papalapit na ko sa bahay namin bigla nalang ako nakasalubong ng malaking paniki as in malaki sa sobrang gulat ko napatulala pa ko sa itaas. Hindi agad ako nakalakad dahil ramdam ko yung paglipad nya sa ibabaw ng ulo ko na para akong binatukan ng tao. Sa sobrang takot ko napatakbo pa ako! Nung nasa gate na ako sobrang hiyaw ko dahil biglang may lumabas na napakaraming IPIS!! Jusko ang takot ko talaga tumalon ako papasok ng gate at nagkulong sa loob ng bahay! Humiga agad ako at nagtalukbong ng kumot hinopo ko pa nuon ang tiyan ko dahil baka kako naaswang na ako! Nakatulugan ko na lang rin yun sa sobrang takot ko. Hanggang ngayon hindi ko pa rin maintindihan o maipaliwanag kung ano ba talaga yun. Pero salamat at okay naman kami ng baby ko. Marami rami din ako naexperience na hindi maipaliwag. Thanks God at sa ngayon ay hindi na ako ganoon kadalas na makakita at makaramdam. Sana nga hindi na tlaga๐ค #MagandangGabi