Ilang beses kang nag pregnancy test bago ka naniwala na buntis ka?
Ilang beses kang nag pregnancy test bago ka naniwala na buntis ka?
Voice your Opinion
Once only
Two times
Three times
Four times
More than 5 times!

13302 responses

136 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Kwento ko lang yung nangyari sakin. In my case, since may PCOS ako left and right never talaga ako nabuntis before plus inverted pa tube ko so I was hopeless na for the past few years. Kala ko talaga tatanda nako dalaga. Kaya nagulat ako nung nag barko ako last year nabuntis ako. Irregular period ko minsan 2 months hindi nagkakaron kaya I thought normal lang pero sa sobrang stress at takot nung pasko Dec 25 pinagtake ako ng first PT ng kawork ko sa barko ang nasa isip ko nun just to make sure na di ako buntis kung ano ano pumapasok sa isip ko kala ko yung pcos ko sumabog na or what talagang di sumagi sa isip kong mabubuntis ako. Tas ayun First time ko rin mag positive sa PT pero di talaga ako naniwala kaya 7 times ko inulit almost everyday. Nung nagdeclare nako sa barko agad nila ako pinadala sa OB Gyne sa Spain since Europe ang byahe namin libre lang hehe sagot ng barko buti nga e kasi nung nag inquire kami pag di ka resident sa port na binabaan nyo gagastos ka ng 60,000 pesos para lang sa check up at ultrasound kaya nag ask ako sa ibang nabuntis sa barko sabi nga daw mag declare ka na buntis ka tas ayun naka libre. Pang 8th PT nung dinala nako sa OB dun palang ako naniwala tas ayun 19 weeks 6 days na pala akong buntis di ko alam. Nahulog pako nung november sa double deck na bed sa cabina. Buti nalang sa kabila ng pinaggagawa ko sa barko healthy parin si baby. Kaya bumabawi ako kay baby now. Sobrang thankful ko kasi parang miracle baby sya. Kaya sa mga hopeless na jan wag kayo mawalan ng pag asa. Minsan sa pinaka LEAST mong inexpect ang isang bagay basta alam ni God na ready kana ibibigay nya sa tamang oras. Pag para sayo para sayo talaga. God bless! πŸ’•

Magbasa pa
Post reply image
4y ago

may parang guhit na malqbo poh sa isa