Physical abuse during pregnancy

#pregnancy Mga momsh sobrang nahihirapan na po ako.. Lalo na po ngayon 36weeks na po akong buntis ni isang gamit o essentials wala ang baby ko.. 😥 😥 😥.. Ni hindi ko din po Alam ang gender nya o kung anong posisyon nya ngayon kase wala pa akong ultrasound.. Sinasaktan pa po ako ng asawa ko.. Pati nasa tiyan ko hindi nya sinasanto hinampas nya po ng libro tapos kung hindi pa ako nagmakaawa tatadyakan niya pa sana.. Hirap na hirap na po ako.. Sana matulungan nyo ako..

Physical abuse during pregnancy
169 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Haynako, umalis kana jan girl. Ano pang hinihintay mo?! magreport ka sa Women's desk ng police. bakit mo tinitiis yan? Hindi lang ikaw ang nahihirapan, pati yung baby mo. magreport ka sa pulis mamsh, umuwi ka muna sa pamilya mo.

Demonyo yn asawa mo sorry for the bad words pero dpat jan ipakulong mo pwd m sya kasuhan sa pananakit sau at sa baby nsa sinapupunan m plng pang aabuso na agad nrransan nya what if paglabas pa nia baka ihagis pa nia baby mo😡

ang pinakamagandang gawin mo ngayon momshie is humingi ka ng tulong sa pamilya mo.ipaalam mo sa kanila kalagayan mo kasi hindi po biro yan.c baby mo po ang unang unang naapektohan sa inyong sitwasyon at nakakasama po sa kanya

VAWC po tawag sa case mo. Violence Against Women and Children. sampahan mo. wag kang magpadaig, matuto kapong lumaban not physically pero kahit papano may batas tayong tinatawag para sa mga demonyo kagaya ng asawa mo.

Pwede k nmn po mgpacheck up ng libre sa health center niyo po pra macheck ang kondisyon nyo pong mag ina...sa asawa mo nmn pong nananakit ipa DSWD mo na po or ipabarangay mo na po...pra matulungan k po nila

VIP Member

Mag sumbong ka sa pulis, or mag chat ka ng kung sinong kilala mo mommy, nakapag post ka naman dito siguro may data ka or internet connection, sabihan mo relatives mo or family mo kung pwede matulungan ka nila.

Please do blotter and a medico legal. With or without his assistance sa panganganak mo meron at meron tutulong sau. Wag ka magpaka martyr dahil lang sa kanya. Isipin mo buhay mo at buhay ng baby mo nakasalalay.

nako gorl umalis kana . mas mahalaga yang anak mo kesa sa asawa ko . and for vitamins . pwede ka humingi sa barangay and sa mga vaccine and also you can ask help din sakanila para makaalis sa asawa mo

wag mo na pong antayin na may mangyaring masana sa inyo ni baby, paki report po, hingi kna rin ng tro para di ka malapitan.. you will survive on your own po kaysa kasama mo sya, ano po pla loc mo sis?

Napaka walang kwenta naman nyang lalake nayan, hindi pa man lumalabas si baby nananakit na what more kung lumabas na si baby😒lumapit kana sa women's desk momshie para matulungan ka nila