Physical abuse during pregnancy

#pregnancy Mga momsh sobrang nahihirapan na po ako.. Lalo na po ngayon 36weeks na po akong buntis ni isang gamit o essentials wala ang baby ko.. 😥 😥 😥.. Ni hindi ko din po Alam ang gender nya o kung anong posisyon nya ngayon kase wala pa akong ultrasound.. Sinasaktan pa po ako ng asawa ko.. Pati nasa tiyan ko hindi nya sinasanto hinampas nya po ng libro tapos kung hindi pa ako nagmakaawa tatadyakan niya pa sana.. Hirap na hirap na po ako.. Sana matulungan nyo ako..

Physical abuse during pregnancy
169 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

naku sakin hnd pwd ung ganian . abay Kay galing gumawa Ng Bata tapos lakas Ng loob manakit porket buntis dpat hnd mo hinahayaang saktan ka Ng ganian Lalo na buntis ka , or else maghanap kana lng Ng tutulong na kaibigan or kamag anak mo kesa Yung ganaganyan ka ..

Go first momsh sa health center niyo diyan sa lugar niyo para makapag ultra sound ka ng libre. Sa asawa mo naman, napaka sama niya wala siyang puso. kung ako sayo momsh dun ka muna sa family side mo. doon ka muna sa safe ka. Di ka safe sa asawa mong napakasama.

VIP Member

Sana po maging safe kayo ng baby nyo💔my heart breaks for this kind of thing. Mommy wag mo payagan na ganyanin ka ng asawa mo, paano nalang yung baby. It's time for you to do something para maprotektahan ang sarili and yung baby. Everything will be owkay😟

sis umalis kana agad dyan wag muna patagalin mas kawawa si baby...ipa blotter mo si hubby mo kasi dna tama yung ginagawa nya....wag mo hayaang saktan kayo at wag mo din hayaan na may mangyari pa sa inyo ni baby...ingat ka lagi sis don't forget to pray...

ipabarangay mo agad yang asawa mo na sinasabi mo eh mukhang ndi nman asawa turing sayo kung saktan ka.. maawa ka sa baby mo po umuwi ka nlng sa inyo sa mama mo at mas maaalagaan kpa dun kesa nag titiis kang ginaganyan ka at dinadamay pati anak nyo..

Na kakainis ang ganyang mga lalaki🥵 tulungan mo mamsh ang sarili mo. Umalis kna jan at pmnta ka s magulang mo at ireport mo ang kupal na yan! VAW c violence against women’s & children. Binuntis ka Tapos sasakyan?? Be strong enough na umalis kna jan

VIP Member

Pumunta ka sa health center na malapit para ma examine ka mommy. Tapos pabarangay mo na yan asawa mo. Pag nakaalis ka na sa asawa mo ill be willing to help you with baby clothes and things... Basta umalis ka muna sa puder ng mr mo.

VIP Member

Kasohan mo yan.. hindi lang ikaw ang sinasaktan niya pati anak mo pa.. wala siyang konsensya.. wag ka mag stay sa taong walang puso.. kakainis talaga mga lalaking ganyan ,😌 uwe kana lang muna sa bahay niyo .. mas safe ka sa parents mo..

Humingi ka ng tulong sa kamaganak mo. Sa barangay kung sinasaktan ka. May children and women's desk dun ka lumapit. Oo nahihirapan ka, hindi maganda yang piangdadaanan mo pero ano asahan mo dito sa app? Tulungan mo rin naman sarili mo.

VIP Member

sis pag ganyan umuwi kaw nlang muna sa inyo at baka mapaano pa kayo ni baby, mag pa mediko legal kaw din at blotter para sa ssunod na saktan ka ng asawa mu eh may kapupuntahan cya, ungas na yan sarap tadyakan sa adams apple.. 😡