Physical abuse during pregnancy

#pregnancy Mga momsh sobrang nahihirapan na po ako.. Lalo na po ngayon 36weeks na po akong buntis ni isang gamit o essentials wala ang baby ko.. πŸ˜₯ πŸ˜₯ πŸ˜₯.. Ni hindi ko din po Alam ang gender nya o kung anong posisyon nya ngayon kase wala pa akong ultrasound.. Sinasaktan pa po ako ng asawa ko.. Pati nasa tiyan ko hindi nya sinasanto hinampas nya po ng libro tapos kung hindi pa ako nagmakaawa tatadyakan niya pa sana.. Hirap na hirap na po ako.. Sana matulungan nyo ako..

Physical abuse during pregnancy
169 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

sis wag papayag na ginaganyan ka. Ireport mo yang partner mo. Toxic siya. Hindi kayo safe na mag ina kasama siya. I'm praying for you.

Mommy habang nagpapaabuso ka lalo ka pong aabusuhin. Reklamo nyo po yan momsh para madala kahit papaano. Kawawa nman kayo ni baby :(

Mamsh umalis nlang po kau, kung mahal nio po baby mo.. Pnta k sa parents mo o sa mga kamag anak n malapit.. πŸ˜”πŸ˜”

umuwi ka muna sa parents mo.. di ka nila papabayaan.. kung ganyan na pinapakita ngayon pa lang.. mas magtatagal pa paghihirap mo..

Umalis k n dyn momsh anu p hinihintay muh????delikado kayo ni baby icpin mu ung anak muh taz ireklamo mu yang hudas mung asawa!!

VIP Member

Mommy gising po!!! Kawawa po kayo pareho ng Baby mo.. Please lang para sa Baby mo.. Humingi ka na po ng tulong sa family mo..

Sis, seek help from your family. Wag kang ganyan sa anak mu, unfair na yan sa kanya. Leave him alone and go to your family...

momsh mag sumbong ka sa baranggay nyo dyan at kung may mauuwian kang magulang or kamag anak mo layasan mo na yang asawa mo

ireklamo mo kesa magdusa ka panghabang buhay at ang baby mo sa wlang kwentang lalake. ipa VAWC mo ng makulong at magtanda

Ikaw ang makakatulong sa sarili mo at sa anak mo. Umalis ka na jan. Alam mo naman ang dapat mong gawin. God bless.