Heartbeat,.My baby, My Angel
#pregnancy #Csection #anxiety 36weeks Yung panganay namin,sobrang excited kaming lahat, ready na lahat even hospital bag ko Pati crib ni baby mga gamit niya all set na.,During scheduled check-up,namutla Yung ngdoppler saken kasi wala daw siya makitang heartbeat so in adviced Nila ko na mgpaultrasound.,kabado nako pero in denial paden sa pwedeng mangyari..till nabasa ko ang ultrasound report na wala na tlga Yung baby ko,yung panganay namin,hirap nako makahinga at mgsalita kakaiyak ko nun, hindi ko tlga matangap, even closest friends ko ayoko mgbigay NG details kasi sa totoo Lang hindi ko rin Alam panu nangyari Yun,even family ko mgtanong saken dq sinasagot., worst part is., pagka-CS saken same day NG instruct si hubby sa mga doctor na wag na I pakita saken baby ko.,. diko man lang nahawakan o nasulyapan Yung anak Kong antagal Kong inantay...kahit sa mga ramdom na kwentuhan NG family and maalala Nila anak ko Kung ganu na Sana siya kalaki ngayon na iiyak paden ako...i started hating those people na hindi ko nman ka close pero keep bringing up my baby..lagi ko siya binibisita sa memorial pero same pain parent nararamdaman ko...Naninikip paden Yung dibdib ko maisip ko Lang Yung panganay ko.,kahit habang Tina-type ko walang tigil Yung luha ko...ayoko Ipakita lagi sa asawa ko na umiiyak ako..minsan Lang pag na pagusapan namin nalulungkot din daw siya pag umiiyak ako at nakita ko Yung video niya nung ni libing baby nmin siya lang andun kasi nasa ospital pako sobrang naawa din ako sa kanya... Ngayon Pinipilit ko lang maging optimistic pero sa totoo Lang sobrang daming negative feelings na nasa loob ko,at mga what if na lagi kong naiisip.Pregnant ako ngayon sa 2nd baby namin NG asawa ko.Iyak talaga ako NG iyak sa tuwa nung NG PT ako at ng positive.13weeks nako today pero sa kabila NG saya., andito paden Yung trauma ko sa panganay namin.Everynight bago matulog pinagpi pray nmin na maging healthy na itong second baby namin... sobrang nagiingat ako sa lahat ng gagawin ko...anjan din sa hubby na super maalaga kahit galing siya sa work... May inu operate din akong store pero di nman gaanu pagod ayoko kasi sa bahay Lang tapos wala ako ginagawa.Lahat NG pwede at hindi pwede ingat tlga ako pero andito paden Yung kaba na baka mangyari ulit Yun.