Heartbeat,.My baby, My Angel

#pregnancy #Csection #anxiety 36weeks Yung panganay namin,sobrang excited kaming lahat, ready na lahat even hospital bag ko Pati crib ni baby mga gamit niya all set na.,During scheduled check-up,namutla Yung ngdoppler saken kasi wala daw siya makitang heartbeat so in adviced Nila ko na mgpaultrasound.,kabado nako pero in denial paden sa pwedeng mangyari..till nabasa ko ang ultrasound report na wala na tlga Yung baby ko,yung panganay namin,hirap nako makahinga at mgsalita kakaiyak ko nun, hindi ko tlga matangap, even closest friends ko ayoko mgbigay NG details kasi sa totoo Lang hindi ko rin Alam panu nangyari Yun,even family ko mgtanong saken dq sinasagot., worst part is., pagka-CS saken same day NG instruct si hubby sa mga doctor na wag na I pakita saken baby ko.,. diko man lang nahawakan o nasulyapan Yung anak Kong antagal Kong inantay...kahit sa mga ramdom na kwentuhan NG family and maalala Nila anak ko Kung ganu na Sana siya kalaki ngayon na iiyak paden ako...i started hating those people na hindi ko nman ka close pero keep bringing up my baby..lagi ko siya binibisita sa memorial pero same pain parent nararamdaman ko...Naninikip paden Yung dibdib ko maisip ko Lang Yung panganay ko.,kahit habang Tina-type ko walang tigil Yung luha ko...ayoko Ipakita lagi sa asawa ko na umiiyak ako..minsan Lang pag na pagusapan namin nalulungkot din daw siya pag umiiyak ako at nakita ko Yung video niya nung ni libing baby nmin siya lang andun kasi nasa ospital pako sobrang naawa din ako sa kanya... Ngayon Pinipilit ko lang maging optimistic pero sa totoo Lang sobrang daming negative feelings na nasa loob ko,at mga what if na lagi kong naiisip.Pregnant ako ngayon sa 2nd baby namin NG asawa ko.Iyak talaga ako NG iyak sa tuwa nung NG PT ako at ng positive.13weeks nako today pero sa kabila NG saya., andito paden Yung trauma ko sa panganay namin.Everynight bago matulog pinagpi pray nmin na maging healthy na itong second baby namin... sobrang nagiingat ako sa lahat ng gagawin ko...anjan din sa hubby na super maalaga kahit galing siya sa work... May inu operate din akong store pero di nman gaanu pagod ayoko kasi sa bahay Lang tapos wala ako ginagawa.Lahat NG pwede at hindi pwede ingat tlga ako pero andito paden Yung kaba na baka mangyari ulit Yun.

23 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

first baby ko sis mag7months kosyang nilabas alam mo yung saken buhay na buhay narinig kong umiyak, pero kinagabihan hindi nya kinaya. sumakto ako sa unang pandemic non napaka higpit ayun ung bangungot na nangyari saken sobrang saken mawalan ng anak😭 and now 6weeks preggy ako sobrang ingat kona pero hindi paden mawala ang trauma😔lalo nat may anxiety ako at may acid napaka hirap

Magbasa pa
3y ago

samahan po naten NG prayers Yung double ingat naten mommy...💕🙏

Pray lang po talaga. Same po sa tita ko ganyan din ang nangyari worst pa is nangyari pa sa second niya pero sana di na po ulit mangyari sayo. Ngayon po dalawa n po anak niya at malaki na, i see talaga na gumanda ang buhay niya after ng mga nangyari sa kanya. Feeling ko naguguide siya ng mga angels niya. Siguro matinding dasal lang po talaga.

Magbasa pa
3y ago

Yes po prayers... thank you 🙏💕

i feel you momsh,ang pagkakaiba lng natin nailabas ko si baby ko at nakita ko cia pero wala n rinng buhay kc sabi ng OB pumulupot sa leeg ang pusod nya.Cguro the pain will remain forever. And now I'm 18 weeks preggy,hoping and praying na maging ok n din etong panagalawang baby namin. Keep faith and fighting 💓

Magbasa pa
3y ago

Let's keep praying... Kaya naten toh... binabantayan tayo NG mga angels naten💕🙏

Jeremiah 29:11 Mommy. habang nagbabasa ako naiyak den ako, Mommy parehas dn po tayo ng napagdaanan na on my 38th week e nawalan ng HB si baby. Keep on praying Mommy. Walang imposible kay Lord. Currently pregnant dn ako ng 12 weeks.

3y ago

Let's keep praying na healthy natong second baby naten💕🙏congratulations saten 💖

virtual hugs mamshie ❤️isipin mo nlang my mas mgndang plano si God kya ngyare un.Godbless you mamshie always pray just think positive mgiging ok ang lahat ingat parate and ur upcoming baby🙏💞.

3y ago

thank you., Yun din Sabi saken nung OB ko na baka nga may condition si baby ko and baka Mas mahirapan pa siya Kung nabuhay siya pero hindi normal kasi may health condition...

kakalongkot nmn po😥pano po ngyari yon Kung kylan kabwanan ñyo n po ska nwalan hb c baby? hind nmn po kyo dinugo? ask ko lng po

3y ago

walang wala tlga as in, walang spotting, walang masakit, walang kirot., normal Lang lahat....

Sending Hugs Mommy ❤️Lagi lang nasa tabi mo si Baby at Lord . Gagabayan ka nila para sa 2nd baby mo po 😇🥰

3y ago

Salamat... 💕🙏

stay strong Po mommy🤗 stay healthy po sa atin at sa baby natin sa tummy😊🥰❤️

3y ago

Thank you.... let's pray Para sa health and sa nateng lahat🙏💕

hindi na yun mauulit. think positive lang lage. dasal lang kaya yan 😊

3y ago

in God's will... thank you 💕🙏

Prayer lang po healthy and second your baby🙏🏻😇❤️

3y ago

thank you 💕🙏