11 weeks preggy
Pregnancy after loss— normal lang po ba na minsan nakakaramdam ako ng takot na bka maulit ulit? Nakakapraning din minsan 🥺 lagi na ko nasa kwarto at takot ng gumala gala. Sana makaya ko ‘to hanggang mafull term si baby.. #advicepls

Yes. Same. Nawalan heartbeat baby ko nung 8wks sya. Nalaman ko 13wks na dapat. Kada pupunta kami sa OB para magpacheck lagi akong kinakabahan na baka ganon na naman mangyari. That’s until mag 17wks ako kasi nararamdaman ko na si baby. Panatag na ko na buhay sya. Pero yung pagkapraning andito pa rin talaga. Ang daming ‘what if’. What if mapulupot yung pusod sa leeg nya? What if dahil nagigising ako na nakatihaya naubusan na pala sya ng blood/oxygen supply? Dinaraan ko na lang sa pagdarasal na maging safe at healthy sya hanggang maipanganak ko sya. Sana malabanan mo rin yung takot at piliin mong maging positive lang lagi, alam ko mahirap dahil may naranasan ka nang ganon pero kayanin mo para sa baby mo. Masama rin ma-stress, nakakaapekto kay baby. Goodluck sa journey mo 🫶🏻
Magbasa pa


anonymous