56 Replies

Labor talaga 😣. Nahirapan din po akong umire nung nanganak ako halos nakaka 20times na akong kakapush ayaw pa lumabas ni baby, at mabilis din po akong hingalin. Talagang tinodo todo ko na pagpush at lumabas na si baby. Feel mo nawala lahat ng paghihirap mo pag maririnig mo na iyak ng baby mo. Inisip ko din dati na di ko kaya pero pag andun ka na, wala ka nang iisipin pa kundi ilabas si baby. Alam kong kaya mo din mamsh. Have a safe delivery 😊

salamay momsh! bilib ako sa inuo strong mommies! God bless us all 🙏🏻🙏🏻🙏🏻

Labor po. Pag umire ka kc sa pagdeliver di mo na maiisip ung sakit kahit ung paggupit sa pwerta mo 😅. Ang nasa isip mo na lng that time smooth na delivery para di maipit ulo ni baby. Pati sa pagtahi di mo na rin mafifeel dahil sa pagod at ung utak mo na nanun na kay baby 😊.

awww nakku wag nmn sana

VIP Member

Masakit ang labor. Ang ginawa ko inanticipate ko na ung sakit para pag andun na mind over matter at madaming dasal at lakas ng loob ang baunin. :) kausapin din lagi si baby na magtulungan kayo para sa safe delivery :)

salamat momsh

For me sis labor ang pinaka mahirap and masakit. Pag lalabas na kase si baby hindi mo na mararamdaman yung sakit eh ginhawa nalang mararamdaman mo ☺️

salamat momsh sana nga makayanan ng stamina and lakas ☺️🙏🏻

Halos lahat mahirap. Pero kung Prayer at kausapin mo ang baby mo na huwag kang pahirapan, mas maadali lang siya lumabas tiyak di ka masiadong mahihirapan.

salamat momsh

Kahit anong sakit mailabas lng ng maayos si baby. Deadma lng ganun ang mga mommy. 😊😊😊 Godbless po sa ating lahat. 😇😇😇😇

Laborrrrr!!!!! Grabe labor pain para kang binibiyak pero mawawala lahat ng sakit once nakita mo si baby 💜💙 kaya mo yan mamsh!

Labor 😊 sa pag ire naman pag naramdaman mo na ulo ni baby ang sarap ng i-ire 😂 . paglabas ni baby Laking ginhawa

labor pagnailabas mo na ulo ni baby smooth na paglabas ng katawan nia e😅 sabayan ng prayer momsh kering keri niyo yan😉

salamat po momsh 🙏🏻🙏🏻🙏🏻

VIP Member

LABOR.. hnd nman msket ang pg ire at ang pglabas ng baby xe tuloy tuloy n un once lumabas ang ulo madali nlng..

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles