tahi
may possibility po ba na may normal delivery na walang tahi after manganak?
It depends po kasi sa laki ng ulo ni baby kung kasya lang nman sya sa pwerta mo no need na ng tahi. Pero kung medyo malaki ang ulo it means need talaga ng tahi
Yes po. Si mama po kase apat kameng anak niya pero wala po siyang tahi kusa daw po kame lumalabas kahit 8.9 kls baby niya
Yes po possible makakatulong din po kung imamassage nyo ung pempem nyo at istretch nyo po.may mga ways po sa youtube
yes possible , pero depende pa din sa obgyne mo kung hayaan nya na normal na mapunit or gugupitin nya un dadaanan ni baby.
depende kung kasya si baby mo at di na kailangan gupitin pa yung dadaanan nya..try to consult your ob-gyne about it too
Ung kasabay ko po manganak sa lying in wala syang tahi.. naiinggit nga ako hihi Pero pang 4th baby nya na dw un.
oh. so meron talagang no need na ng tahi. kaloka parang umiri lang sila.
Depende po yun,pag mahirap ilabas si baby hihiwaan po kayo ng nagpapaanak sa inyo para madali mailabas
Sa 1st baby lang naman gugupitan at tatahian eh sa pangalawa at sa mga susunod pa hindi na.
Parang impossible po hindi tahiin. Hindi nyo na po un halos mararamdaman pag tinatahi.
Pag multi pregnancy na momsh possible, pero pag primi talagang me gupit at tahi.
Depende pag maliit lng si baby ndi ka na need na ilacerate.
Mom of Mica