Birthing Plan

Hello Po,sino Po Dito Yung nanganak sa lying in?magkano Po binayaran nyo?Nag dadalawang isip Po Kasi Ako kung sa public hospital ba or sa lying in.Tsaka di pa Po Kasi nababayaran philhealth ko and next month na Yung due date ko.Any tips Po mga mommies.

5 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

kahit sa lying in ka manganak ay hahanapan ka ng philhealth. kung wala ay malaki laki rin ang babayaran. baka abutin ng 12k+. kung may philhealth ka ay malaki na ang 3k sa lying in. dahil 9k ang cover ng philhealth kapag normal delivery.

Baka po kaya mo pa mag asikaso ng indigency para sa philhealth para wala ka na pong babayaran sa panganganak mo po aq po kasi may philhealth din kaso ndi ko na po siya nahuhulugan kaya nag apply po aq ng indigency dito sa brgy namin

12mo ago

Kuha ka lang po sa brgy nio ng brgy certificate syaka po brgy indigency tapos punta po kau sa munisipyo mswdo po ata yun ipapasa with your ultrasound na xerox na then maghihintay lang po kau then may ibibigay naman po na papel na ipapasa niyo sa philhealth office with xerox valid id birthcertificate ultrasound lahat po yan xerox tapos need mo din po pala ng 1by1 na picture para sa id depende din po pala sa munisipyo nio kung may interview pa po dito po ksi samin wala kaya madali lang din po mag asikaso

plano ko rin po sa lying in manganak. Nag inquire po ako magkano birthing package around 17k po samin. If philhealth member po mababawasan papo siya.

Lying-in din ako sa pngaLawa ko pero wala po ako binayaran .. Libre paanak

h