FATHERS NAME
Posible po bang machange ang surname ni lo from mine to bf's surname? Malayo kasi si bf kaya hindi siya makakapirma sa birth cert ni lo kaya ang napag desisyunan namin ay iunder na lang muna sa surname ko since ang hinabol namin ay mairegister agad ang birth cert. Kapag kasi late reg. hindi ko magagamit ang philhealth ko sa panganganak (malaki ang magagastos namin since 1st baby) at isa pang problema ay madedelay ang matben ko which is hindi pwede dahil yun lang ang inaasahan namin na makakatulong sakin. No negative comments sana.