16 Replies

Yes mommy, pabasa po nakita ko lang sa is ang page. Contraception after Giving Birth Kung ikaw ay nagpapa dede, may tinatawag na LAM or LACTATIONAL AMENORRHEA METHOD. in Tagalog: Lactational - pagpapa dede Amenorrhea - wala regla * dahil sa breastfeeding, kinakansel nya ang pag release ng egg galing sa ovary, ang tawag dyan Ovulation. *Breastfeeding ---> No Ovulation --> No menstruation Kaya wala kayo menstruation kapag nag breastfeed kayo. Kapag nagka menstruation kayo meaning bumabalik na fertility nyo so pwede na kayo mabuntis. Tanong: Kelan po babalik ang mens, bakit ung kapitbahay ko may mens kagad nag breastfeed naman. Sagot: Depende sa katawan ng babae kung kelan babalik ang menstruation nya. Minsan depende kung gaano katagal na sya nagpapa dede. So iba iba, wala kopyahan kasi. Medyo nakakatakot diba kasi nauna ang Ovulation before menstruation, kaya pwede mabuntis kahit wala pa ung menstruation. Nag ovulate na sya then sakto unprotected contact nahuli ang egg, ayon nayare buntis. May 3 requirements para sa LAM 1. Hindi pa bumalik ang menstrual bleeding ni Mommy. 2. Kelangan na less than 6 months si baby. 3. Fully breastfeeding or nearly fully breastfeeding * fully breastfeeding - exclusive ( breast milk only) or almost exclusive ( with vitamins and some liquids) * nearly fully breastfeeding - breast milk + some food but majority breast milk pa rin. So kapag pasok ka sa 3 requirements na yan, pwede mo gamitin ang LAM up to 6 months of birth. Kelan pwede simulan: Anytime How effective ang LAM? 2 out 100, pwede mabuntis if typical use and less than 1 pregnancy out of 100 if perfect use. So kung natatakot ka na baka nag ovulate ka na pala while breastfeeding, pwede ka na mag back-up contraception. For Breastfeeding, ang pwede is ung PROGESTIN ONLY, either pills or injectable. Kapag PILLS, anytime pwede na start. Kapag injectable, at 6 weeks postpartum pa. Mag PREGNANCY TEST MUNA before mag start ng PILLS or Injectable. Kelangan ba hintayin ang menstruation? HINDI, kasi nga diba pwede na wala ka pang menstrual bleeding kasi nagpapa dede ka. Pano pag take? One pill everyday, same time of the day. Tuloy tuloy lang, pag ubos isa pack, next pack na. Hindi ito naka depende if may bleeding ka or wala. Pano pag inject? every2-3 months depende sa type POSSIBLE SIDE EFFECTS OF PILLS & INJECTABLE: Irregular Bleeding or No bleeding, weight gain, mood changes, headache, dizzinesss, bloatedness, loss of bone density ( injectable), beast tenderness, nausea. BRANDS: DAPHNE, EXLUTON, CERAZETTE #FAMILYPLANING

Oo, posible talagang mabuntis kahit hindi pa bumabalik ang regla pagkatapos manganak. Nanganak ako apat na buwan na ang nakalipas at wala pang period, pero nag-ovulate na ako dalawang buwan pagkatapos ng panganganak. Kahit na breastfeeding ay nagpapabagal sa pagbabalik ng menstruation, hindi ito pumipigil sa ovulation. Kaya, kailangan pa ring gumamit ng contraceptives.

VIP Member

possible po .. akala.ko din tlaga di mabununtis pg ebf. pero sa pagsesearch ko di naman sya tlaga birth control contraceptive. ung cnasabi nga nila na di dw nireregla pg ebf. bkit ung 2 friend ko niregla pareho after 4weeks of giving birth. mas mganda mg birth control contraceptive ka ung 100% effective. like injection, iud, pills.

ako fb ako taon ako bago nagka roon 1 year & half bago ako nagka roon nasundan din ang anak ko 2 years old na sya mag 3 na sa april feb din ang kabuwanan ko 😄

6 months na ang baby ko at nag-aalala ako kung posible bang mabuntis kahit hindi pa dumating ang regla pagkatapos manganak. Oo, posible talagang mabuntis kahit walang regla, dahil maaaring mag-ovulate bago dumating ang period. Kaya, kung hindi mo pa plano ang susunod na baby, mag-consider ng contraception.

From my experience, kahit na exclusive breastfeeding ako at hindi pa bumabalik ang regla ko pagkatapos ng isang taon, nagkaroon ako ng ovulation. Kaya, kahit wala pang period, gumagamit ako ng contraception para sigurado. Mahalaga na kumonsulta sa doktor para sa tamang contraception.

May mga kaibigan akong nabuntis kaagad after 7 or 8 months ng panganganak. Nalaman ko na nag oovulate na pala tayo kahit na di pa bumabalik yung regla natin. Kaya naman mainam na gumamit ng contraceptives para safe:

Hello po ask ko lang po kakapanganak ko lang po kase wala pa pong 1 month si baby ginalaw na po ako ng asawa ko ask ko lang po kung may posibilidad na mabuntis po ako kahit pure breastfeed po ako respect po sana

pwede ba mabuntis ang bagong panganak kahit hindi pa nireregla? Yes mommy! Kasi nag oovulate pa rin tayo kahit di pa nireregla. Kaya kung wala sa plano mong masundan agad si baby, use contraceptives

Hello mga momshie ask ko lng Po 5month npo baby ko tapos dipa Po ako niririgla tapos Po firstime Namin Ng hubby ko mg make love Mula Ng manganak ako pero nilabas Po niya pwd Huba mabuntis kng Ganon

VIP Member

posible po. kapitbahay namin dito 2 months palang nanganak 1month na buntis. pure bf din at di pa nireregla kaya akala safe.

totoo po ba khit di pa nireregla pag katapos mnganak posible na mabuntis kagad? kahit full breastfeeding?

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles