Pills
Hello po. Sa mga LADY PILLS user po dito, paano po ang pag-inom nyo? Sabi po kasi nung doctor, ang unang tableta ay iinumin sa unang araw ng regla. Kapag naubos na ang isang pakete ng pills (28 tablets) at wala pa ang dalaw maghihintay pang magkaroon para uminom ng panibagong pack ng pills. Kung sakaling man na hindi pa ubos ang pills at dinatnan na ng regla magsisimula agad ng panibagong pack ng pills. Kahit may tira pang tatlong tableta ng pills. Dapat daw kasi sa unang araw ng regla laging magsisimula sa #1 ng pills. Ganito rin po ba ang pag inom nyo? First time ko po kasing iinom ng pills, naghihintay lang ako ng next mens ko.