mga sissy..

Hello po,minsan nagsisisi ako bat po ako nabuntis,bat ko pa tinuloy to.. ung ang dami2 ko pangplano at gustong gawin ,then suddenly naudlot,kasalanan ko rin naman kasi d ako nag ingat,now ko lang narealize na ayaw ko pa pala,hindi pa ako handa.. sorry pero gusto ko lang maglabas ng nararamdaman ,

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Yung iba dito tulad ko di rin handa, walang masama kung magsisi ka pero wag mo sana sa baby itutuon. May mga plano talaga na nauudlot, malaki man o hindi. Ako kasi kahit naudlot yung iba kong plano, ginawa ko na lang motivation yung baby ko and ilang weeks na lang lalabas na siya. Isipin mo wala ka ngayon sa sitwasyon mo kung hindi alam ni Lord na hindi mo kaya. Hindi ka dadalhin ni Lord sa estado mo ngayon kung walang magandang mangyayari. Minsan talaga kailangan mo magtiwala sa kanya kung bakit ka andyan. Yung mga plano mo o yung mga gusto mong gawin pwede mo pa din naman gawin eh, isama mo si baby, mas madami mas masaya. ☺️ Blessing yan si baby. Hindi pa huli ang lahat ☺️

Magbasa pa
4y ago

Thank you po sa pagresponse.. feeling ko tlga helpless ako ,ung walang kwenta ,yes po lage ako ngppray na iguide nia ako salahat ng desisyon ko.. gumaan po pakiramdam ko ng may nkkausap.. diko nmn po msabi sa bf ko .. support nmn nia ako ,pero may feeling p rin minsan andun ung regrets,pero excited n rin po mkita c baby 9 more weeks

Pray lang po. Binigay po ni Lord dahil kaya mo. Greatest blessing nyo po yan. His plan is the best. God bless po 😊