TTC- for almost 9months 😭

Hello po, 1 1/2 month ako di nagkaroon due to stress and gain of weight then trying to get pregnat din po. I'm not sure if tama to ginagawa ko to monitor sana para alam ko when kami mag do ni hubby. I have hormonal imbalance nag clear naman both ovaries due to pcos but still hirap padin mabuntis. 🥹 Please let me know if may idea kayo or what nasasad na din kasi ako nakaka stress pala kung kelan gusto ko na magkabby ang tagal ibigay i know my plan si god kung bakit still waiting padin sa right timing 🙏🏻🙏🏻 #TTC

TTC- for almost 9months 😭
12 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ang iyong nararamdaman ay normal at hindi ka nag-iisa sa pakiramdam na iyon. Mahalaga na alagaan mo ang iyong sarili habang naghihintay sa tamang panahon para mabuntis. Narito ang ilang mga tips na maaari mong subukan habang nagtatrabaho sa iyong fertility journey: 1. Alagaan ang iyong katawan sa pamamagitan ng pagkain ng masustansyang pagkain, pag-inom ng sapat na tubig, at regular na ehersisyo. 2. Magkaroon ng regular na check-up sa iyong OB-GYN para ma-monitor ang iyong hormonal imbalance at PCOS. 3. Subukan ang paggamit ng ovulation predictor kits para matukoy ang iyong mga "peak" fertile days. 4. Makipag-usap sa iyong asawa tungkol sa inyong fertility goals at magkaroon ng open communication para sa maayos na pagpaplano. 5. Mag-relax at bawasan ang stress sa pamamagitan ng mga relaxation techniques tulad ng yoga, meditation, o pagbabasa ng books. Tandaan na ang bawat katawan ay iba-iba at hindi lahat ng tips ay epektibo sa lahat. Maari ring kumunsulta sa iyong OB-GYN o fertility specialist para sa dagdag na payo at suporta sa iyong fertility journey. Huwag mawalan ng pag-asa at patuloy na magdasal para sa inyong mabuting kalusugan at magandang kahahantungan sa iyong pagiging magulang. #TTC https://invl.io/cll7hw5

Magbasa pa

hi mii, ako po may hormonal imbalance, pcos both ovaries ... pero madaling mabuntis .. tyming po ang need dyan mii wag ka po magbase sa mga app kung kailan ka magoovulate .. di po yan gagana sating mga may pcos.. late tau mag ovulate mi.. try mo gumamit ng ovulation test yun lang din kasi gamit ko kaya alam kung mabubuntis ako .. every cycle 26 ako nagoovulate mii, yong mga normal naman na walang probs sa ovRies ... cycle 11 to 15 yan sila nagoovulate

Magbasa pa
7mo ago

Okay mi pano yun gamitin mi. after ng regla

VIP Member

I have PCOS din po since Im 13 years old, Im 30 now and currently 22weeks preggy. Nagpa-alaga po ako sa OB then nagtry po ako ng diet and exercise (discipline and determination lang po talaga) then naging regular na po mens ko, kaya po siguro big help iyong ginawa ko dati para mabuntis. Tapos withdrawal method pa po ginamit namin ni hubby, we just tried kasi po alam niya condition ko ayun we are blessed to have a baby girl.

Magbasa pa
7mo ago

Praying for that po. 🙏🤰

i have mild pcos, nagpaalaga ako sa OB-REI currently 20 wks pregnant. suggest ko magpaalaga kayo lalo na kung matagal na kayong TTC. sama mo si mister. may specific tests din na ipapagawa kung may problem ba sa reproductive structure or related pa sa immune disorders + wag magpakastress at magpakapressure nagiging factor din yan kung bakit di nabubuuan. idaan mo sa prayers at magtiwala ka sa timing ni God.

Magbasa pa
7mo ago

Actually nagpapaalaga kmi pero di lang nasusunod gawa nung busy kami tapos ofw tayo so ako nalang ung nagpapacheck up kulang samin ung timing talaga 🥲 for now andito sya sakto niregla ako kaya hoping matimingan namin dis time healthy life stlye kmi for now

Same. 2022 when we started trying. Diagnosed w/ PCOS. Tried to lose weight through exercise, balanced& healthy eating, took vitamins then stopped kasi lost hope, until 2023 someone recommended Glutha Drip. after 2 months, found out na pregnant na ko. Now, may naby is 5 months old. ❤️ baby dust ✨️✨️and prayers.

Magbasa pa

I feel you ganyan na ganyan ako dati, expect and pressure naman sakin nun kung kaylan sinuko namin ng asawa ko dun ako ng nabuntis.. nabuntis ako without vitamins.. totally nagpaghinga talaga ako sa medicine. iwas ka lang sa stress, healthy lifestyle lang dapat..

Gamit po kayo ovulation test kit. Mdlas kc d accurate mga apps. 3 days before after your ovulation, magdo po kayo ni hubby, isa sa gbi at isa po sa mdling araw. yan po advice sa akin at currently pregnant now.

7mo ago

Hello mi end ng menstruation ko is nung 25 tuwing kelan po ako gagamit ng ovulation test.

i had pcos too but only on my left ovary. aside from discipline/change lifestyle/diet, etc. try nyo po mag do every week. kahit di pasok sa fertility window bsta every week. 2x or 3x a week if kaya

VIP Member

You can start by taking folic acid po. Also multivitamins with zinc can help. Eat nutritious food. Avoid stress & alcohol.

try mu mg ovulation strip, mas ma detect ng strip when ka mag oovulate, watch po kayu sa. youtube pano.