MIL mishaps
Hello po. Wala lang, nagvevent out lang po talaga ako kasi walang ibang safe na platform para ishare ang hinanakit ko sa Mother-in-Law ko. Sobrang hirap po talaga kapag nakatira sa family ng asawa mo tapos parang may topak yung MIL mo na hindi ko maintindihan kadalasan. Medyo maselan po kasi ang aking pagbubuntis, at kailangan bed rest po talaga. Ang MIL ko naman po ay ineexpect na magextra kayod ako sa gawaing bahay kahit na alam niya pong maselan ako. Makakarinig nalang po ako ng mga salita na masasakit pag hindi ko po naaabot ang standards niya sa paggawa ng gawaing bahay. Kesyo daw dapat kahit maselan ay magkikilos pa din ako. Ipinipilit na maglakad everyday 2x a day para daw normal ang delivery, at maglaba kahit na ba kakailanganin ko magbuhat ng mabigat na palanggana. Naiintindihan ko naman po siya dahil iba ang naging experience niya sa pagbubuntis, pero sana po maintindihan niya din ako di ba? Hindi naman lahat blessed ng normal na pagbubuntis para kumilos na parang wala lang ang dinadala na baby sa tiyan. Ayoko lang na sasabihan ako ng tamad sa ibang tao porket hindi ako pinapayagan ng pregnancy ko magsipag ng todo. Pinakanabwisit at nagpantig ang tenga naming magasawa ay nung tinanong namin siya kung anong gusto niyang second name ng baby. Imbis na magsuggest abay tila nagalit pa dahil bakit hindi daw namin isearch ang meaning ng name na gusto naming first name ng bata. Ikinagalit ito ng asawa ko sapagkat maayos naman ang aming pagkakatanong. Gusto man sana namin bumukod na bago pa manganak, hindi pa kaya kasi kulang ang kinikita ng aking asawa, Kami ang nagbabayad ng 3/4 ng bllls at gastusin sa aming bahay at 1/4 naman ang sagot ng kapatid ng aking asawa. As soon as makaipon kaming mag asawa ay bubukod na kami para hindi na mawitness ng bata ang masamang ugali na pinapakita samin ni MIL. At ayoko din kasing mapakialaman ako sa pagaalaga at pagpapalaki sa aming anak.