Pagkahilo, normal ba?

Hello po! May tanong lang po sana ko about sa nangyayari sakin. Last month po, nag sunday service kami (Christian Religion), then nakakaramdam na po ko ng ngalay dahil sa medyo matagal nakaupo(siguro mga almost 2hrs) then nung before matapos ang service, nakaramdam po ko ng pagkahilo tas parang nagpintig po yung tenga ko na parang kulob yung tunog at medyo nahirapan po ko huminga, after po nun nagpahinga lang po ko sa bahay. Ngayon naman po, kakagaling ko lang po sa lamay. Namatay po kasi yung isa sa mga bestfriend ko, and habang pinagppray po namin siya syempre di po maiwasan yung umiyak ng sobra, naulit nanaman po yung nangyari sakin (nahilo, yung sa tenga, tsaka hirap huminga) tas nagulat nalang po ko napaupo na po pala ako sa sahig buti nalang nasalo ako, and di ko po alam na natumba na pala ako kasi ang last na naalala ko is nagppray kami tapos parang natulala na ko at lipad na yung utak ko. May iba po bang nakakaranas ng tulad sakin? Normal lang po ba ang ganito pag buntis, currently 19weeks po ako. Salamat po sa sasagot

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Yes mommy normal lang po baka naiinitan po kayo, Ako nahihimatay din Nung first pregnancy Lalo pag mainit, di Ako pwede nakatayo Rin Ng matagal kasi biglang namamanhid paa ko, dun Nako magsisimula mahilo.