ANONG DUE DATE SUSUNDIN KO?
Hello po, tanong ko lang po tungkol sa due date ko po or may kapareha ba sa situation ko, Last Menstruation ko is Dec. 3, 2021 at di ako niregla ng January 2022 tapos po February 3rd week-4th week ko lang nafeel yung mga symptoms ng buntis at February 1st week lang din po namin ni withdraw sa loob kasi everytime nag sesex kami di namin pinuputok sa loob. Pero nag PT na po ako at Positive po. Anong due date ang susundin ko po?? Di pa ako nagpaultrasound din po. #1stimemom #pleasehelp #worryingmom

si OB ko po sinusundan pa din ang LMP ko kahit na nakapagultrasound na ko. isang araw lang naman po ang pagitan. sabi nya kasi daw magiiba iba pa daw ung due date ko sa ultrasound. 10 weeks 5 days pala ako ngayon.
Usually po ang susundin nila yung makikita po sa ultrasound na ilang weeks na. Pero pag nagpacheck up po kayo ang ibibigay niyo po is yung first day ng last mestruation period niyo.
Kung irregular po ang period nyo, mas susundin po yung sa ultrasound.