Skin peeling?
Hi po, tanong ko lang po kong anu po eto sa anit ng baby ko po?? Normal lang po ba eto? Natatakot at nag-aalal po kasi ako habang nakikita ko ? ,2 month and 18 days palang po baby girl ko. At balak po syang kalbuhin ng byanan ko dahil dito ?? Salamat po
cradle cap po yan. may ganyan din baby ko until now. 3months na sya. kusa daw mawawala yan. onti onti naaalis yung sa baby ko parang balakubak kung maalis tapos natural daw na maalis din hair nya kapag nagbakbak na, babalik din daw po yung buhok kusa... wag kutkutin baka masugat at malambot pa naman ulo ni baby... wag po kayo pumayag na kalbuhin, kusa daw po mawawala yan. experto na po nag sabi skn nung nagpacheck up kmi.π
Magbasa paCradle cap mommy.. ganyan din sa baby ko pati sa panganay ko noon. Natutuklap magisa ksma buhok.. sabi pedia nmin prone daw sa my family history ng asthma yan.. nireseta samin mineral oil ska sebclair cream.. kusa lng sya nttanggal.. di nmn bumabalik :) Wag mo nlng kutkutin kasi mas lalala.. mineral oil lagay mo 10mins before maligo pra mababaran.. then use washcloth pra matanggal ung mlambot na..
Magbasa pacradle cap twag po diyan momsh , bago po paliguan si bany lagyan nio po mineral oil ung anit massage po niyo dahan dahan, after ilan minutes aangat po yan prang blakubak, pag pinaliguan nio po si baby mababawasan yan. paunti unti gang mawala.. normal po sa baby yan pro lagyan mo po mineral oil pra ndi pangit tingnan. sa pharmacy po 20.00 lng ung maliit na oil.π
Magbasa paNormal po yan sa baby. Suggest ng pedia since mahal ang sebclair cream, use virgin coconut oil wag po baby oil kasi mainit sa anit at katawan ni baby. Pahiran mo sya ng vco 15minutes before mo sya ligoan tapos suklayan mo ng baby brush. Matatanggal po yan at dapat tanggalin yan lahat kasi dadami po yan. Meron din ganyan sa kilay, fyi. Ty
Magbasa paThank po mommy sa information ππ
Normal lang po yan mommy, nagkaganyan din baby ko ang ginawa namin nilalagyan namin baby oil sa ulo before sya paliguan tas after nya maligo ginagamit namin cotton buds, sobrang dahan dahan lang na pagalis kasi mamumula po pag hindi. After 3days na araw araw ganyan lumambot po at eventually nawala na.
Magbasa paAte try mu pahiran ng oil using cotton before sya maligo.. dumi po yan na nakastock sa anit ng mga babies natin ganyan din po dati panganay ko lagi pinapahiran ng nanay ko ung anit ng baby ko bago maligo mawawala din po yan. Dahan dahan lang po sa pagpahid ng baby oil..
Cradle cap po yan. May ganyan din si baby ko. Pero okay na ngayon. Less than a month nawala din. Ginagawa ko, binababad ko ng olive oil bago maligo gamit ng cotton balls pahid sa ulo nya tapos sinusuklay. Pagkatapos maligo suklayin ulit ng baby comb. Natanggal naman.
normal lang yan..lagyan mo lang baby oil bago maligo, ibabad mo oil at least 2 to 3 minutes tapos paliguan mo, habang pinapaliguan mo sya na may sabon ang ulo, ibrush mo ng baby brush everytime na maliligo hanggat may sabon, unti unti po matatanggal yan
Normal po yan chaka kung tatanggalin nyo po ung buhok edi wala ng harang ung anit mas mabilis kakapitan ng alikabok ung anit. Wag nyo po kalbuhin. Ung tita ko po nung bagong panganak ung baby nya ganyan din, virgin coconut oil nilalagay nya nawala rin naman.
Awww, sakin din ayoko ko syang kalbuhin kasi mukha na nga sya ng tatay nya tapos wala pa syang buhok. Kaso natatakot ako dito. Pero nawawala nman pala. Thank you mommy ha π
Mineral oil po bili kayo sa phArmacy,pahid mo lang siya gamit ang cotton bago siya maligo...mabilis po yan matatanggal pag araw-araw...ganyan din nangyari kay anak ko..nirecommend ng pedia na mineral oil gamitin ko
Queen Bee of my one Little Princess