OBIMIN PLUS

hello po sino po dito nagtake ng obimin plus and may side effects po ba sa inyo? ako kasi laging nasakit ang tiyan simula nagtake ng obimin.

14 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Wag mong sabayan ng ibang meds mii. Ganyan ako nagsusuka ako pag pinagsasabay ko Calcium at Multivitamins. Ginagawa ko after breakfast si Calcium, after lunch naman si Obimin Plus.

sabihin nalang sa doctor na ganyan yung nangyayari pag tinatake mo yang gamot na yan para mapalitan nila ng ibang gamot na vitamins din

VIP Member

Ako ganon dati. Pinagswitch ako sa mosvit elite, sobrang okay sakin, di nakakasuka, walang lasa, di masakit sa tyan.

9mo ago

Ako nmn d hiyang sa mosvit elite , ngssuka ko pinalitan omina

Mii ganyan din ako nung mga first months. Hanap ka lang ng right time sa pag inom na mahihiyang mo. Ngayon di na ako nasusuka.

VIP Member

Papalitan mo if may iba kang nararamdaman mii, ako nakailang palit non eh haha

mag palit ka nalang po yung multivitamins (clusivol) mas okay pa po yun

9mo ago

ganito po ah OB kasi nung unang check up ko po sa Delgado ayan yung nireseta nya tsaka firstime ko lang din po lahat ng gamot na nireseta lahat buti hiyang ako nung naubusan kasi ako obimin nalang yung avail sa mercury sinubukan ko yun ayun nasuka ako kaya diko na pinalitan pa

Post reply image

Sabihin nyo po kay ob na ganun effect sainyo para mapalitan nya po

9mo ago

Baka po acidic din kasi kayo eh, ako po vit c po pinatigil nya sakin tapos ayan pinalit nya obimin plus

pag di mo po hiyang, wag niyo na po ituloy. try other vitamins

pwede ka mg switch sa molvite OB, ako from molvite to Obimin

nag obimin plus din po ako, tinatake ko siya after dinner.