Cesarian

Hello po sino po dito ang mga cesarian and ano po cause niyo bakit nag cs kayo? Ako po kase baka ma cs sabi saken ng dr. kase nakapulupot po ung cord coil kay baby pag nag normal delivery po kase ako baka masakal daw po baby ko?Kaya ako nalang po nagsuffer na mag cs nalang, kesa ang baby ko po ang mahirapan at mawala hays 18yrs old palang po ako first baby kopo kase ito.

61 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Ako wala na water si baby kaya na emergency cs ako diko pa kase duedate nun, actually check up ko lang dapat pero nakita ng ob ko na wala na tubig si baby kaya pinag decide na niya ko. 😊

Ako cord coil si baby pero titignan kung kakayanin i Normal Delivery. keep praying mamsh baka kaya naman ma normal pero kung hindi wag mag dalawang isip i risk ikaw at si baby go for CS

hi! im cs mom .. july 13 lng nanganak .. cs ko ksi breech c lo .. mwwla lhat ng pangamba mo pg nkta mna c lo .. sarap sa feeling llo n pg unang kita mo sa knya😊😊

ECS po ako. Tumaas kasi bp ko. Kaya need na Cs. Okay lang po ma CS para makalabas si baby na ligtas. Kesa mag normal ka po. Kayanin mo na lang po para sa kaligtasan ni baby.

ako po normal naman lahat. nag 9 cm na din po and mababa na si baby kaso naemergency cs kasi di makalabas si baby kasi maliit daw po sipit sipitan ko so ayun na cs ako :(

Ganyan din ako sis. Cord coil yung panganay ko di pwede mag normal kasi bumababa heart rate ng baby ko. Pag pinilit mag normal masasakal talaga baby ko kaya na CS ako.

Na cs din ako nong march 2 ayaw bumaba ni baby tapos maliit daw yung labasan 6cm na sana ako, double yung pag hihirap ko pero worth it naman po.

same po tayo emergency Cs dahil sa cord coil. 16yrs old pa Lang ako .But today 17 na ako..btw its my birthday.. 1week pa lang ako today na nacs

5y ago

Thanks sis..

5 days in labor aq ksi guato nla aq inormal gang 5days ng 3cm lng c baby...tpos kinalaunan cs aq....3.5 c bby tpos maliit dw sipit sipitan

Me sis cs..kc daw ayaw bumuka nun sipitsipitan ba tawag don..yun s my pwerta khit humihilab na..ayaw bumuka buka..ayon cs na tlaga.