CS mom here. 7 am ako na emergency tapos mga 4 pm tinanggal na yung catheter ko mommy. Sabi ng OB ko, need ko na daw mag pee on my own better kung makaka poop at makaka fart na rin ako. Within the day lang po nakatayo at nakalakad lakad na ko kasi wag ko daw babyhin yung pain para mabilis ako madischarge. Gusto ko na rin makalabas noon kasi before pa ako maemergency CS naka admit na ko for 3 days dahil ininduce muna ko. Yung room ko 2,500 pesos per day at iba ang bayad sa induce at emergency CS. So para di na lumobo yung bill namin at makalabas na agad tinry kong maglakad lakad na. Hehe. Masakit talaga sya mommy.
♡