6 months old kg

hi po si baby ko po 8.1kg 6months, last month din po ganyan ang kg nya pero as of now sabi ni pedia very good daw kasi parang "on a diet" lang ang term para di obese si baby. napaisip lang ako kung next month madagdagan na ba siya, since most of the time sakin siya dumedede. iniisip kasi ng fam ko or ng iba na di tumataba anak ko sa gatas ko, kahit di nila harapan sabihin, sinasabi lang "parang pumayat" which is minsan nakaka sad e pero ramdam kong marami nadedede sakin si baby + 6days na nagsosolid siya. naihi naman palagi at marami magpoop, ayoko idoubt sarili ko sa gatas ko pero sana sumasapat pa rin, ano opinion nyo mommies? thank you #firstTime_mom

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

kay pedia ka po makinig, mommy. kahit payat po tingnan as long as di po sya below sa ave weight at di sakitin, yun po ang mahalaga. ang di healthy ay yung judgement ng iba. wag ka na magalala, mommy. maaabsorb lang po ni baby yung stress mo dahil dumidede pa sya sayo.

2y ago

tama po. ang importante, pasok si baby mo sa average weight, and good and well sia. pedia na po ang nagsabi na very good. mag aadvise naman ang pedia kung may kelangan gawin. hindi man kita sa weight pero sa height, humahaba po ang baby. ganun din sa baby ko. mababa po ang timbang ni baby ko pagkapanganak pero pasok sa average. humabol ang timbang nia nung nagstart siang magsolid food. encourage po ang breastfeeding. baby ko is on mixed feeding dahil working mom ako. plus may solid food. nadadagdagan ang weight. ako ay may pump kaya nakikita ko kung kumokonti na ang gatas ko lalot nasa work ako at hindi ako makapag EBF. kaya mixed feeding si baby ko. nung nakalakad mga baby ko at lumikot, pumayat silang tingnan pero ang weight gain ay andun pa rin and sumasabay ang height.