βœ•

2 Replies

aminin mo lang sakanila basta. kahit after kumain. or pumasok ka sa kwarto nila and get straight to the point. tanggapin mo lanh lahat ng galit nila at wag ka na mag dadahilan. mag apologize lang kahit legal age ka naman na para lang kumalma sila. wag mo silang pilitin na patawarin agad agad kung di sila ready. pero for sure kapag nakita at nakarga na nila apo nila, mawawala na yung galit. naalala ko yung ate ko dati, nagstay mg matagal sa tita namin kasi tinatago niyang buntis sya. nung minsang umuwi sya samin para kumuha ng gamit, naabutan sya ni mama at nahalata agad ni mama. nung tinanong sya, di sya sumagot tapos biglang tumakbo. hinabol sya ni mama ng walis. πŸ˜‚πŸ˜‚ di sya lumabas ng kwarto niya magdamag. kinabukasan, di sya natiis ng mama ko, inakyat sya ng mama ko at nagdala ng pagkadami daming pagkain, prutas at snacks. after nun bati na sila. strict din mama namin pero di naman sya natiis. kung di ka man mapatawad agad, dadating din yun. magpakumbaba ka lang at lalambot din puso nila

sabihin mo nalang agad kasi ganon din naman. itatago mo ngayon pero malalaman din naman after, atleast kapag nasabi mo na sakanila ngayon wala ka ng tinatago sa kanila at wala ka na ring mafifeel na guilt (siguro meron pa din pero konti nalang) maiintindihan nila yan lalong lalo na ng mama mo. sa lahat ng sitwasyon ang nanay ang unang makakaintindi sa anak nya. sa totoo lang masarap ang pakiramdam na suportado ka ng magulang mo sa pagbubuntis mo, I mean not financiallykasi syempre dapat may sarili kayong pang gastos, pero yun bang suportado ka nila emotionally at physically. mababawasan lahat ng bigat na nararamdaman mo once na masabi mo na yan sa magulang mo. 21 lang din ako at college student din πŸ™‚

Trending na Tanong