Wala bang side effects pag iinom ng gamot na pampakapit?

Hi po sa inyong lahat, good day! May itatanong lang ako, okay lang po ba na bilhin kotong gamot na ni reseta ng doctor sakin? Pampakapit daw to, 3x a day in 2 weeks ko daw to i ta-take, Nag ble-bleeding po kase ako tapos 1 and a half month preggy palang ako, natatakot ako baka may side effects, baka may mangyari kay baby, second bby ko nato pero di naman ako nag ble-bleeding nong una kong baby. #answermyquestion

Wala bang side effects pag iinom ng gamot na pampakapit?
65 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

nireseta sayo kaya tingin ko ok lang na bilin mo at inumin mo. pero dika naman ata pinilit ng doctor mo. so its up to you kung maniniwala ka sa kanya or mas maniniwala ka sa mga comment dito. doctor na nga yun pinagdudahan mo pa. 🤦

VIP Member

galing naman po pala sa doktor kaya okay lang po kase sila yung nakakaalam kung ano yung makakabuti sa inyo at sa baby mo di naman yan magrereseta ng ikapapahamak nyo ng baby nyo mamsh sa doktor na po mismo nanggaling yan.

basta po nireseta ni OB..okay po yan. 2x a day lang ako nun 4weeks to 10 weeks..ng spotting ako ng 10weeks 3x a day na.until now pang 18weeks ko..ewan ko lang next visit sa 19weeks kng reresetahan pko..SKL😊

VIP Member

yes po.. yan din ang nireseta sakin nung nagka-threathen miscarriage ako. once na mejo tumindi bleeding ko inadmit ako for 1 day and swero din at oral intake ng duphaston.... sabayan mo din po ng total bedrest...

anything na given ni OB mapa vitamins or antibiotic or what, safe naman po yun. nag take din ako duphaston from 6wks hanggang matapos ko yung first trimester ko. okay naman po kami, 30wks preggy here

yes po...malaking tulong po yan para po d malaglag ang baby.....almost 1 month po aq ngtake ng pampakapit kasi mahina ang kapit ni baby at nka bed rest aq for 2 weeks....so far healthy nmn ang baby q lumabas

Wala naman po sigurong masamang side effect ito sa inyo mommy. Ito din po ang nireseta sa akin kasi at 18 weeks 1cm dilated na agad ang cervix ko , threatened abortion daw po. 3x a day din for a month.

duphaston din nireseta sakin ng ob ko 2x a day. morning and night.. after a week ng pag inom ko nawala pananakit ng puson ko.. pangpakapit Yan mommy para Hindi mawala agad si baby . believe in your ob po..

VIP Member

Take ka lng yan momsh.. OB na ang ngreseta sayo.. Lahat naman na mga gamot may side effects pero mild lang. Pero sa pampakapit, para sa baby mo yan para di malaglag.. Trust your OB po

nasa reseta ko ang duphaston gang 15 weeks ako. ngayong 16weeks na ko wala na sa reseta ko. ilang buwan ko ding tinake yan since nakunan ako sa first baby ko. magtiwala kayo sa ob niyo.